^

PSN Showbiz

Pagkaing masasarap ihahain ni Mader R

-

MANILA, Philippines - Maraming hairdresser at cosmetologist o parlorista ang humahanga sa salon czar at beauty gurung si Ricky Reyes, ‘di lang dito sa ating bansa kundi maging sa ibang parte ng mundo. 

Upang magkaroon siya ng bonding sa mga fans ay naisipan ni Mader RR ang pagbubukas ng isang programa sa telebisyon. At ito’y ang Beauty School na umani ng mataas na rating sa program surveys at nagkaroon ng karangalan mula sa mga award giving body para sa mga programang pantelebisyon.

Lumao’y dinagdagan ito ng ibang format at tinawag na Beauty School Plus na upang lalong pasiglahin ang mga parlorista’y naging reality-based na Parlor Games na ang nagwagi’y nagkaroon ng malalaking premyo.

Ngayo’y namamayagpag ang show bilang Life And Style With Gandang Ricky Reyes sa GMA News TV tuwing Sabado alas-onse ng umaga at iba-ibang panoorin gaya ng mga tourist spot dito sa bansa, mga kilalang Pinoy sa ibang bansa, interbyu sa mga sikat na tao at artista, pulitiko, trabaho, hair at fashion trends, pagkaing kakaiba at kaugaliang minana sa unang panahon ang napapanood.

Bilang pagsunod sa kahilingan ng mga manonood ay muli kayong dadalhin ni Mader sa mga lugar na matatagpuan ang masasarap, healthy at ‘di pangkaraniwang putahe ng pagkain. “Mahilig talaga sa pagkain ang mga Pinoy kaya di nila alintana kahit malayo ang lugar basta matikman ang iba-ibang putahe,” sabi ng LSWGRR host-producer.

BEAUTY SCHOOL

BEAUTY SCHOOL PLUS

BILANG

LIFE AND STYLE WITH GANDANG RICKY REYES

LUMAO

MADER

PARLOR GAMES

PINOY

RICKY REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with