^

PSN Showbiz

Dahil sa indie films, movie industry unti-unti nang nakakabangon

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Nakatutuwang malaman na maraming pelikula na nagsimula bilang independent pero nagtatapos bilang mainstream. Katunayan, mas malaki ang impact ng mga pelikulang ito na hindi komo mas mababa ang budget kesa sa mga commercial films ay less na rin ang quality.

Ang Thelma nina Paul Soriano at Maja Salvador ay magkasabay na iniiyakan at pinupuri ng mga nakakapanood nito. Tuwang-tuwa naman ang mga nakakapanood ng Zombadings na nagdagdag pa ng sinehan. Bago ito, tumakbo ng ilang linggo ang Ang Babae sa Septic Tank sa mga sinehan.

Kung dati mga baguhan at walang pangalan lamang ang mga gumagawa ng indie, ngayon maski si Joel Lamangan, Eugene Domingo, Lovi Poe, Angelica Panganiban, Piolo Pascual, atbp. ay gumagawa na rin nito. Pati si Vilma Santos gusto ring mag-indie na nakatutuwa dahil mukha ngang makakabangon ang industriya sa tulong ng independent films.

Mentor nang-aagaw ng eksena sa Protege

Kahit malaki ang advantage ng mga kalabang programa ng Protégé na Ta­lentadong Pinoy at Pili­pinas Got Talent dahil mas nauna na silang ipinalabas, mabilis pa ring nakahabol sa ratings ang programa ng Kapuso Network dahil talaga namang kakaiba ang programa. Madaling nagustuhan ng tao ’yung konsepto na hindi lamang ang mga contestants ang naglalabanan, meron ding labanan na nagaganap among the 10 mentors na siyang pumili ng mga Protégé. Sila ang personal na pumunta sa mga lugar na ini-assign sa kanila at pumili ng kanilang ime-mentor sa pamama­gitan ng pagsasagawa ng audition.

Ngayon, hindi lamang ang mga napili nila ang mabibigyan ng pagpapahalaga kundi ang kagali­ngan din ng mga pumili sa kanila. Hindi mga katulad nila ang pinili ng mga mentors. Hindi rapper na tulad ni Gloc 9, biritera na tulad nina Imelda Papin at Rachelle Ann Go, R&B na siyang forte ni Jay-R, at acoustic singer na gaya ni Aiza Seguerra. Kung hahanap sila ng tulad nila baka mas matagal pa sa ibinigay sa kanilang panahon ang kakailanganin ng mga mentors.

Survivor Philippines inaabangan na

Isa pang inaabangan ng mga suki ng Kapuso Network ay ang pagsisimula ng Survivor Philippines. Naghahanda na si Richard Gutierrez para pumunta sa lugar na kung saan ay gaganapin ang pinakaaabangang reality show. Tulad ng dalawang nagdaang season, hindi ito sa Pilipinas ginaganap kundi sa ibang bansa. Sa pinaka-huling season, sa Thailand sila pumunta.

Ang Survivor ang isa sa mga pambatong palabas ng GMA 7.

Direk Marilou ayaw sa bonggang aktingan

’Yung pelikula pala nina Ina Feleo, Marvin Agustin at Jomari Yllana na Ikaw ang Pag-ibig ay ’yung hindi nagawang movie nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Natapos din ito ni Direk Marilou Diaz-Abaya sa kabila ng kanyang mabigat na karamdaman.

At marami ang pumupuri sa kagandahan ng pelikula na nagawang mailabas ng direktora ang kagalingan sa acting ng kanyang mga artista.

Ngayon pa lamang ay marami na ang nagsasabi na magiging malakas itong contender sa acting awards bagama’t sinasabi ng mga artista nito na minimal lamang ang hiningi sa kanilang acting ng director, hindi bongga. Pero hindi naman nakikita ang galing ng pag-arte sa malalaki at bonggang eksena.

AIZA SEGUERRA

ANG BABAE

ANG SURVIVOR

ANG THELMA

ANGELICA PANGANIBAN

DIREK MARILOU

KAPUSO NETWORK

SURVIVOR PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with