^

PSN Showbiz

Sarah, pipirma na uli ng bagong kontrata sa Kapamilya

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Pipirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN si Sarah Geronimo anytime now. Mismong ang manager niyang si Mr. Vic del Rosario ng Viva Group of Companies ang nagbanggit nang makatsika ko last Thursday night.

Bukod sa renewal ng contract ng pop princess sa Kapamilya Network, confirmed din na sisimulan na niya ang sariling show sa ABS-CBN. “Once a week show. Maganda ang concept, maaaliw ang mga viewers,” sabi ni Boss Vic.

Bukod sa solo show, sinisimulan na rin ni Sarah ang movie with Gerald Anderson na sequel sa kanilang super successful na pelikulang Catch Me, I’m In Love.

At next year na sabi ni Boss Vic gagawin nina Sarah at John Lloyd Cruz ang reunion movie nila. Valentine ang target date ng movie.

October naman ang target playdate ng Sarah-Gerald na kasalukuyan na ngang sino-shooting.

Bukod kay Sarah, naka-schedule din mag-renew ng contract sa Kapamilya Network sina Anne Curtis and Cristine Reyes na parehong alaga ng Viva.

Samantala, ibinalita rin niya na siya na uli ang manager ni Megastar Sharon Cuneta. Yup, verbally ay nag-usap na sila sabi ni Mr. Del Rosario. In fact, nai-announce na raw ni Sharon sa ABS-CBN ang kanilang agreement.

Kung tutuusin sa Viva naman talaga nagsi­mula si Sharon. Naalala pa ni Boss Vic kung paano niya itong inalagaan sa pelikula at mga concert dito sa Pilipinas at sa abroad. Ang Viva rin ang gumawa ng mga album ni Sharon noon.

Shamcey malakas ang dating

 Mahigit 80 na pinakamagagandang kababaihan mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang nasa Sao Paolo, Brazil ngayong Martes (Sept 13) para sa pinakamagandang araw sa buong universe na magaganap sa pinakahihintay na coronation night ng Miss Universe 2011. 

Sa ABS-CBN, ang tahanan ng Miss Universe sa Pilipinas sa loob ng limang magkakasunod ng taon, mapapanood ang eksklusibo at live na coverage ng Miss Universe pageant ngayong Martes, 9:30 a.m. at may primetime telecast sa free TV sa parehong araw sa Studio 23 sa ganap namang 9:30 p.m.

Sobra ang suporta ng mga Pinoy sa pambato nating si Shamcey Supsup matapos makuha ni Venus Raj noong nakaraang taon ang karangalan bilang 4th runner up. Todo na rin ang pagkampanya ng mga pageant aficionados na iboto si Shamcey sa official Miss Universe online polls lalo pa’t magbibigay ang Miss Universe Organization ng sigurado ng semi-finalist slot sa sinumang mananalo sa botohan worldwide. At in fairness, ngayon pa lang ay talagang palaban ang hitsura ni Shamcey.

Kinoronahan si Shamcey bilang Bb. Pilipinas Universe noong Abril 2011 at simula noon ay puspusan na ang paghahanda niya para sa kumpetisyon. Naniniwala ang mga pageant expert na malaki ang pag-asa ni Shamcey sa Miss Universe.

Nakapagtapos siya bilang magna cum laude mula sa University of the Philippines-Diliman sa degree na Architecture at nanguna pa sa June 2010 Architecture Licensure Examination noong July 2010.

Sinumang makakapag-uwi ng korona ngayong taon ay siyang magpapatuloy ng sinimulan ni Miss Universe 2010 Ximena Navarrete ng Mexico kabilang ang pag-iikot ng mundo para bigyang kaalaman ang mga estud­yante tungkol sa HIV/AIDS.

Gagawin ang Miss Universe pageant sa Credicard Hall sa Brazil, ang bansang napili ring host ng 2014 World Cup at 2016 Summer Olymic games, sa pa­ngunguna ng napiling hosts na sina Natalie Morales ng Today at Andy Cohen ng Watch What Happens: Live. 

Kabilang naman sa napiling mga hurado ang Pinoy pride at tanyag na Broadway actress na si Lea Salonga, Helio Castroneves, Connie Chung, Isabeli Fontana, Vivica Fox, Adrienne Maloof, at Amelia Vega.

Tatanghalin kaya si Shamcey bilang pinakamagandang babae sa buong universe?

Watch tayo ng Miss Universe 2011 live via satellite sa ABS-CBN sa Martes.

Go go go Shamcey.

ADRIENNE MALOOF

BOSS VIC

BUKOD

KAPAMILYA NETWORK

MISS

MISS UNIVERSE

SHAMCEY

UNIVERSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with