^

PSN Showbiz

Alden Richards ang bilis magpalit ng 'babae'

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ang bilis magpalit ng crush ni Alden Richards dahil a few weeks ago, si Sam Pinto ang bukambibig niya, pero mula nang makasama si Rhian Ramos sa horror movie ng GMA Films na The Road, ang aktres na ang crush. Sobrang hanga ng actor kay Rhian at kahit naka-prosthetics, gandang-ganda pa rin siya rito.

Tiyak na gaya sa kaso ni Sam, aakusahang gumigimik si Alden para sa promo ng The Road na showing sa October 12 sa direction ni Yam Lara­nas. Humahanga lang daw siya at hindi nanliligaw, kaya maling akusahan siyang manggagamit.

Nagsalita na pala ng tapos si Alden na hindi niya iiwan ang GMA 7 at GMA Artist Center para lumipat sa ibang network. Sunud-sunod ang projects niya at inaalagaan siya, wala raw rason para siya’y lumipat.

Bukod sa The Road, nasa Panday 2 din si Alden, siya ang pumalit sa role ni Aljur Abrenica at kasama siya sa primetime soap na Sundo. ‘Pag nagtuluy-tuloy ang blessings, matutupad ang dream nitong kumuha ng condo unit sa Quezon City bilang halfway house para ‘di na siya pabalik-balik sa Laguna.

Aktres sinagot ang pagiging goldigger

Nag-react ang maganda at magaling na aktres sa hater niya sa Twitter na tinawag siyang goldigger dahil sa mayayaman at sikat ang nagi­ging boyfriends at mga nali-link sa kanya.

Hindi nagustuhan ng aktres ang sunud-sunod na pagpuna sa kanya at sumagot ng : “You better keep it clear. Don’t make up stories just to promote your site. I don’t need a man to get gold. I make my own name.”

O, di ba, bongga ang aktres? Hindi niya inaway ang hater niya, pero ang linaw ng sagot. In fairness sa magandang aktres, siya ang nililigawan at hindi niya kasalanan kung maganda siya. Saka, masipag din ito at maraming tinutulungan kahit hindi niya kamag-anak, basta humingi ng tulong, give agad siya.

Leandro nagpi-feeling bagets dahil kay Nadine

Umalis noong Martes for the States si Leandro Muñoz para bisitahin ang 17-year-old daughter niya roon na naiwan habang narito siya’t nagtatrabaho. Bago umalis, nag-breakfast muna sila ng ka-ED o Exclusively Dating niyang si Nadine Samonte sa Dulcinea sa Morato, early Tuesday morning.

Gumawa ng paraan ang dalawa na magkita dahil sa September 26, pa ang balik ni Leandro. Galing ang aktor sa taping ng Felina, Prinsesa ng mga Pusa  at si Nadine ay galing sa taping ng Sa Ngalan ng Ina.

Hindi pa namin nakakausap ng sabay ang dalawa at ‘di masabi kung sino sa kanila ang mas in-love, pero sa narinig namin, in-love si Leandro kay Nadine at para nga itong teena­ger sa mga sagot. Bukod sa face, nagustuhan niya si Nadine dahil mabait sa pamilya at hindi gimikera.

Hindi totoong brineyk nito ang ex para sa kanya dahil may problema na ang dalawa nang magsimula silang mag-taping ng The Sisters.  

Edgar Allan sinasama sa movie nina JLC at Angel

Kahapon ay kinausap ni Noel Ferrer si Roselle Monteverde para ipagpaalam si Edgar Allan Guzman na kinukuha ng Star Cinema para isama sa movie nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin na tila I Honestly Love You ang title.

May kontrata sa Regal Entertainment si Edgar kaya kailangang magpaalam at umaasa ito at si Noel na papayagan nina Roselle at Mother Lily na tanggapin ang movie. Dream come true ito kay Edgar dahil idol niya si John Lloyd at gusto rin niyang makatrabaho si Angel at muling madirehe ni Cathy Garcia-Molina.

Samantala, sa September  28 na ang showing ng Ligo Na U, Lapit Na Me na ang Regal ang magdi-distribute.

Isa rin si Edgar sa performer sa fund-raising project ng Lokomoko at Star Circle Quest billed For the Love of Joseph para kay Joseph Bitangcol. Sa Sept. 15, ito gagawin sa Zirkoh Morato. Sa Sept. 10, kasama niya sina Michael V., Alden Richards at Jake Cuenca sa BEAU-CON produced ng Wednesday Club sa Zirkoh Morato pa rin. ­

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALJUR ABRENICA

LEANDRO

NADINE

NIYA

PARA

SA SEPT

SIYA

ZIRKOH MORATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with