^

PSN Showbiz

Erich, nakalabas na ng ospital

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Isang thanksgiving mass ang pinangunahan ni Fr. Tito Caluag noong Martes bilang pasasalamat ng lahat ng bumubuo ng teleseryeng Maria La Del Barrio.

Dinaluhan ng cast, staff, crew, at ilang executives ng Kapamilya network ang nasabing event.

Patuloy na namamayagpag sa ere ang nasabing serye kaya labis ang pasasalamat ng buong grupo. “Sobrang salamat, kasi ito ang manifestation na maganda ang proyekto, maraming sala­mat,” pahayag ni Enchong Dee.

“Sobrang pasasalamat ko sa sumusuporta. I feel so blessed and maagang pa-birthday gift sa akin,” pahayag naman ni Erich Gonzales.

Samantala, nagpasalamat din si Erich sa lahat ng mga nag-alala sa kanya nang ma-ospital siya noong isang linggo. “Okay na po ako, nangyari sa akin sa taping, bumaba ang sugar level, naging fourty and over fatigue sabi ng doctor kasi pagod, puyat dahil galing Bangkok and I went straight to taping but I’m okay now. Findings ng doctor, hypoglycemia po, ‘yung pagbaba ng blood sugar ng tao. So it’s normal na nangyari, hilo, panginginig, ganun po,” kuwento pa ng dalaga.

Jericho isang buwang naging normal sa NY

Halos dalawang buwan ding nawala sa Pilipinas si Jericho Rosales.

Nagkaroon ng ilang shows sa Canada ang aktor at isang buwan ding nag-aral si Jericho ng Intensive Acting for Film sa New York Academy. Ngayon ay nakabalik na sa bansa si Jericho. “Nag-aral ako ng acting for film, number one, gusto ko pang ma-improve. Number two, just to prepare myself for bigger things, part lang ng pag-pursue ng pangarap ko,” pahayag ni Jericho.

Na-enjoy daw niya ang New York at marami siyang bagong karanasan doon. “The best four weeks of my life doon sa New York. Meron akong journal, nilalagay ko ang detalye ng trip ko bilang isang normal na artist sa New York or normal na tao sa New York. Subway, araw-araw naglalakad ako. Araw-araw nagte-tren ako, adik ako sa tren. Normal na tao lang ako doon. Libraries, pasyal, pinagsabay ko turista, at estudyante doon,” pagde-detalye ni Echo.

Naikuwento rin niya kung paano nadiskubre ng mga kasamahan at kaklase ni Jericho sa New York na isa siyang sikat na celebrity dito sa Pilipinas. Mayroon pa raw nag-research tungkol sa kanya sa Internet. “The guy who googled me is my superintendent sa apartment, every time uuwi ako I have chats with him. May dumaan na Pinoy then nagpa-picture. Eventually I had to tell him the truth so he googled me. The next day he called me by my full name, Jericho Rosales, Mr. Pogi, mga ganoon. He even mentioned Subject I Love You, tawa ako nang tawa. Normal na tao lang kami lahat doon. Until the final week na nalaman nilang he’s a star in Manila. Okay lang sila, hindi kami nagkaroon ng ilangan. I love my classmates, I love New York. I’m happy to be back but I know babalik uli ako doon,” dagdag pa ng aktor.

 Reports from JAMES C. CANTOS                 

vuukle comment

AKO

BANGKOK AND I

ENCHONG DEE

ERICH GONZALES

EVENTUALLY I

INTENSIVE ACTING

JERICHO

JERICHO ROSALES

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with