^

PSN Showbiz

Pagkalabas ng hospital, Manilyn nagmamadali nang magtrabaho

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Magaling na si Manilyn Reynes pagkatapos niyang ma-confine ng ilang araw sa hospital dahil sa nagka-dengue ito pagkatapos manganak.

Pagkalabas niya ng hospital ay nagpahinga pa rin siya ng ilang araw dahil kailangan na niyang bumalik sa trabaho.

Gusto na niyang mag-taping ng Pepito Manaloto, at sisimulan na rin niya ang Daldakina na magkakaroon na ng story conference sa susunod na linggo.

Show ni Luis pino-promote ni Jennylyn

PAK : Maraming naloka sa huling interview kay Jennylyn Mercado sa Showbiz Central na ikinukuwento nitong tinuturuan pa siya ni Luis Manzano ng hosting dahil isa ito sa mga host sa Protégé na nagsimula na nung Linggo.

Nakalimutan yata ni Jennylyn na katapat ng Protégé, ang Pilipinas Got Talent na hinu-host naman ni Luis.

Pero tuwing gabi mula Lunes hanggang Biyernes naman napapanood si Jennylyn na kung saan siya ang host sa Inside Protégé na ina-update ang mga nangyayari sa naturang reality show/singing competition.

Nagsimula nung Lunes si Jennylyn pagkatapos ng Time of My Life at mataas ang rating nito.

iwa wala nang balak bumalik sa ‘Pinas

BOOM : Mukhang walang balak bumalik ng bansa si Iwa Moto.

Nasa Japan pa rin ngayon ang seksing aktres at ayon sa kuwentong nakarating sa amin, nagi-enjoy na doon si Iwa habang hinihintay nito ang kanyang citizenship na inaayos nito.

Hindi ganun kadaling makakuha ng citizenship, pero hihintayin ito ni Iwa kaya magtatagal pa siya roon.

Lalo raw gumanda roon si Iwa dahil nakapagpahinga ito nang husto at walang stress sa masalimuot niyang love life.

Duda naman ng mga taong malapit sa kanya, hirap pa rin itong makapag-move on sa break-up nila ni Mickey Ablan kaya minabuti nitong nasa Japan na lang muna siya para tuluyan na niyang makalimutan ang dating boyfriend.

INSIDE PROT

IWA MOTO

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

LUIS

LUIS MANZANO

MANILYN REYNES

MICKEY ABLAN

NASA JAPAN

PEPITO MANALOTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with