Anne bida sa pang-tag-ulang Station ID
MANILA, Philippines - Sa hindi inaasahang mga pagkakataon, ang tag-ulan ay nagiging paraan para magkalapit ang mga tao at sa mga ganitong oras, ”da best” para sa ABS-CBN ang makasama ang mga Pinoy.
Ito ang ipinakita ng mga paboritong Kapamilya stars sa pinakabagong Station ID (SID) ng ABS-CBN na Sukob Na na inawit ng actress, host, endorser, fashion icon, at ngayon ay isa nang ganap na recording artist na si Anne Curtis.
Sa kabila ng ulan o maging bagyo, nagagawa nating mga Pilipino na mapasikat ang araw sa ating sariling pamamaraan basta kasama ang mga mahal natin sa buhay tulad na lang ng ipinamalas ng mga anchors ng Umagang Kay Ganda; hosts ng Showtime at Happy Yipee Yehey, cast ng Banana Split, Maria La Del Barrio, My Binondo Girl; child wonder na si Xyriel Manabat ng 100 Days to Heaven; top dramatic actress na si Bea Alonzo ng Guns and Roses; Queen of All Media Kris Aquino at Megastar Sharon Cuneta.
Ang awiting Sukob Na ay nilikha nina Frasco Mortiz at Alexeeb Flores. Una itong ginamit bilang Station ID theme song noong 2002 at ni-revive noong 2010. Ngayong taon, binigyan ito ng panibagong buhay at panlasa ni Jimmy Antiporda.
Ang 2011 Ulan SID ay ginawa ng ABS-CBN Creative Communications Management sa pamumuno ni Robert Labayen at Johnny de los Santos. Kabilang sa SID Creative and Production team ay sina Edsel Misenas, Kathrina Sanchez, Dang Baldonado, Ian Faustino, at Adrian Lim.
Ito ay binuo sa direksiyon nina Richard Ang at Peewee Gonzales. Kasama rin sa tumulong sa produksiyon sina Patricia Daza, head for artist relations; Jimmy Porca, project coordinator; Jun Aves, cinematographer; Oliver Paler, post-production head; Con Ignacio, editor; Sam Esquillon, production designer; Aileen Gooco, photographer; at Marvin Bragas, location manager.
- Latest