^

PSN Showbiz

Maja sangkot na naman sa awayan

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Ang haba naman ng hair ni Maja Salvador. Siya na naman ang dahilan ng balitang sakalan at suntukan nina Matteo Guidicelli at Coco Martin matapos mag-abot pagkatapos ng Star Magic Ball sa Manila Peninsula last Saturday night.

Inamin ni Maja sa The Buzz na may relasyon na sila ni Matteo at selos ang dahilan kaya nagalit ang boyfriend niya kay Coco. Pero hindi na niya idinetalye ang away ng dalawang aktor.

Kamakailan lang ay nasangkot si Maja sa issue kina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano, ngayon naman, siya na ang link sa awayan ng dalawang Kapamilya actors na parang parehong wala sa karakter na mag-away. 

Shamcey Supsup nakalamang na sa Miss U

Bongga, umeksena na pala agad ang pambato ng Pilipinas na si Shamcey Supsup sa inaabangang Miss Universe 2011 matapos itong nangunguna sa mga independent polls sa Internet! Kasi naman ay todo-suporta ang mga Pinoy sa online world kay Shamcey dahil for the first time, isang semi-finalist slot ang ibibigay ng Miss Universe Organization sa sinumang kandidata na may pinakamaraming boto worldwide.

Kanya-kanya kasi ng kampanya ang mga pageant aficionados para masigurong papasok ang Pilipinas sa semi-finals.

Sa part naman ni Shamcey, sinasabi nitong handang-handa siyang maiuwi ang tagumpay para sa Pilipinas.

Sa inilabas na official photos ng Miss Universe, kapansin-pansin ang ganda at palabang hubog ng katawan ni Shamcey suot ang kanyang swimsuit at evening gown.

Abangan natin ang pinakamagandang araw sa buong universe at ang laban ni Shamcey para sa korona ng Miss Universe 2011 na mapapanood live mula Sao Paolo, Brazil sa ABS-CBN sa Martes (Sept. 13), 9:30 a.m., na may free-TV primetime telecast sa parehong araw sa Studio 23 ng 9:30 p.m. naman. Mapapanood din ito sa cable via Velvet (SkyCable Channel 53) sa double primetime replay nito ng 7:00 p.m. at 10:00 p.m.

Bela Padilla representative sa Asian Supermodel!

Mga gawa ng mahusay na designer na si Nono Palmos ang national costume na irarampa ng mga representatives ng bansa sa gaganaping Asian Supermodel sa China. Kasama sa Philippine representatives ang GMA Artists Center (GMAAC) stars na sina Bela Padilla and Fianca Cruz at ang professional na si Kimberly Tan. Ang latest accomplishments ni Nono coincides sa launch ng kanyang newest collection sa trendsetting design.

“Today, fashion trends are inspired largely by life. Gone are the days when fashion designers can dictate a trend or style based solely on their creative imaginations. Fashion has gone into a state wherein designs are dictated by the people themselves,” sabi kamakailan ng designer sa isang interview.

Ang Asian Supermodel ang tinatawag na region’s biggest model contest na sinasalihan ng 30 young beauties mula sa iba’t ibang bansa sa Asya – China, Japan, South Korea, Mongolia, Vietnam, Singapore, Malaysia, Indonesia, Thailand, and India.

Ang competition ay open sa 16-24 years old na girls na may “Asian style and charm.”

Last year, nag-shine ang reps natin – sina Ma­riana del Rio, Bianca Paz, and Gwen Ruais.

Wagi noon si Mariana na third runner-up habang sina Bianca and Gwen ay nanalo ng special awards – Ms. Photogenic and Best Runaway Walk, respectively.

Si Ms. Ida Henares, GMAAC head, naman ang kauna-unahang Filipino judge ng competition na usually pala ay dino-domina ng China, Korea, and Japan kaya ngayon ay member na siya ng Asian Model Association.

ANG ASIAN SUPERMODEL

ARTISTS CENTER

ASIAN MODEL ASSOCIATION

ASIAN SUPERMODEL

BELA PADILLA

BIANCA AND GWEN

MISS UNIVERSE

PILIPINAS

SHAMCEY

SHAMCEY SUPSUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with