Pagdating ng Pasko sisimulan na sa ASAP
MANILA, Philippines - Sisiguraduhin ng inyong mga paboritong ASAP Kapamilya na masaya ang simula ng inyong Setyembre ngayong Linggo sa ASAP Rocks, 12:15 sa ABS-CBN.
Mararamdaman na ang pagdating ng Kapaskuhan sa hatid na masayang performances ng ASAP icons na sina Gary Valenciano, Vina Morales, Zsazsa Padilla, Martin Nievera, Zia Quizon, Buildex Pagales, Alex Castro, Vincent Bueno, Kenny Padilla, Jem Cubil, Ariel Rivera, ASAP Sessionistas, ASAP Pinoy Champs - Jovit Baldivino, Angeline Quinto, at Marcelito Pomoy, at ultimate champions na sina Erik Santos, Christian Bautista, Jed Madela at popstar princess Sarah Geronimo.
Mabubuhay ang inyong mga dugo sa dance numbers ng Supahdance crew Rayver Cruz, Gab Valenciano, at John Prats, Dance Quad Enchong Dee, Sam Concepcion, Jessy Mendiola, Empress, Bugoy, Supahkids, Supahdance idols Billy Crawford, Georcelle Dapat-Sy.
Abangan ang pagtatanghal na handog nina Cristine Reyes, Melai, Pokwang, at ng lead stars ng Growing Up na sina Julia Montes at Kathryn Bernardo.
Isang malaki at masayang pagdiriwang sa pagdating ng buwan ng Setyembre ang hatid nina Anne Curtis, Erich Gonzales, Shaina Magdayao, KC Concepcion, Kim Chiu, Iya Villania, Nikki Gil, Maja Salvador, Sam Milby, Jericho Rosales, at Piolo Pascual. Magpapakwela rin ang Kanto Boys.
- Latest