Mader nag-food trip
MANILA, Philippines - Isang natatanging panoorin ang handog ng Life and Style With Gandang Ricky Reyes ngayong Sabado alas-onse ng umaga. Ito’y tungkol sa mga kakaiba pero masasarap na pagkain.
Ipapasyal tayo ni Mader Ricky sa Food specialty shops na gaya ng Gayuma ni Maria kung saan maraming pagkaing aphrodisiac at love-inspired menu at sa Itsie Bitsie Fetish na mabibilhan ng pritong kamoteng Banaue na may halong strawberry yoghurt.
Matatagpuan sa iba’t ibang lugar sa bansa ang tila bibingkang may cocoa-crusted cream dory na may chocolate na salsa, Tempurang kalabasa, salad na bulaklak at inuhurnong talong na may tomato sauce at tunaw na keso.
Meron ding pancit, okoy, crispy crablets, crab omelet at nilagang mata ng baka sa Tuguegarao.
May pinaglahok ding American at Asian dishes tulad ng Hapadog, Californippon, Miso Hungry, Popeye’s Dog and Ka-Noodle My Dog. Saka Big Better Burger, Hahalapeno, Shiitake Teriyaki, Mushroom Loco at 3-Cheese Explosion.
Sa mahilig sa popcorn, tunghayan ang recipe ni Chef Tony na iba’t iba ang flavors ng nasabing snack. Pati na ang kakaibang dessert na gawa sa peanut butter, chili coconut, bacon, oreo, caramel mango, cafe mocha, buco pandan, choco-dipped maple at granola ball with bacon.
Samahan natin si Mader Ricky sa kanyang food trip sa mga pagkaing lagi nating kinakain araw-araw.
Ang LSWGRR ay hatid sa inyo ng ScriptoVision.
- Latest