^

PSN Showbiz

Diet ayaw pangunahan ang kapalaran nila ni Kris

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Noong Martes ay nabanggit ni Kris Aquino sa kanyang programang Kris TV na merong ibinigay na love advice sa kanya si Diether Ocampo.

“Sabi ko ba’t hanggang ngayon wala ka pa ring dini-date? Mahirap din naman siyang maka-date kasi dami niyang trabaho palagi. ‘You should make yourself available,’ masyado siyang busy sa trabaho. Invite ko sana siya, ’di yata siya puwede dahil meron siyang shoot,” kuwento ni Diether.

Pinaunlakan ng aktor ang imbitasyon sa kanya ni Kris na mag-guest sa Kris TV.

“Si K (Kris) kasi malakas sa akin. Kahit wala akong tulog, dumiretso ako from Guns and Roses taping. Masaya naman,” dagdag pa ni Diet.

Mapapanood ang nasabing episode ng Kris TV sa darating na Martes.

Ano na ba talaga ang status ng relasyon nila ngayon?

“Mahirap magsalita ng tapos. Mas maganda, na-e-enjoy mong makasama kaibigan mo. Ayokong pangunahan ang puwedeng mangyari,” makahulugang sagot ng aktor.

Dyowang sportsman ni vice ganda selos na selos sa ibang lalaki

Marami mang lalaki sa showbiz ang nali-link kay Vice Ganda ngayon ay aminado naman ang komedyante na wala siyang totoong karelasyon sa mga ito.

Isa sa mga itinuturong pinakamalapit kay Vice ay si Jon Avila pero nilinaw na magkaibigan lang talaga sila ng hunk actor.

“Natutuwa ’yung audience na nakikitang naghaharutan kami on stage, kinikilig sila. Maganda ’yung kasama mo sa trabaho ’yung click kayo ’di ba? ’Yung producer gusto niya ’yung naghaharutan kami on stage. Hindi kami mag-on, best of friends, barkada, malalim. Love life niya, love life ko, alam naming pareho,” paliwanag ni Vice.

Mailap din ang komedyante na pag-usapan kung sino ang tunay na nagpapatibok sa kanyang puso ngayon. “Ay! Hindi ko naman puwedeng sabihin. Meron siyempre, non-showbiz, nasa sports. Basta hindi ko sasabihin sa inyo,” nakangiting sagot ni Vice.

May mga pagkakataon na rin na nagseselos ang kanyang special someone sa mga lalaking nalili-link kay Vice.

“Kilala niya ako eh. Minsan may mga nararamdaman siyang parang totoo. May mga time na pumunta ’yun sa studio ng Showtime. Kay Paolo Hubalde siya nagselos ng husto,” kuwento ni Vice.

Samantala, may mga lumabas na isyu na nagtatampo si Toni Gonzaga kay Vice ngayon dahil sa hindi pagpayag ng komedyante na mag-guest sa concert ni Toni. “Hindi ko nga alam eh. Kaya kami na ’yung nag-usap. Sabi ko, ‘Itanong mo kung ano, kahit walang bayad magge-guest ako sa show mo.’ Gusto kong maging bahagi ng malaking event na ’yun sa buhay ni Toni. Masaya akong i-involve ’yung sarili ko kay Toni kasi mahal na mahal ko siya,” giit pa ni Vice.

— Reports from JAMES C. CANTOS

DIETHER OCAMPO

GUNS AND ROSES

JON AVILA

KAY PAOLO HUBALDE

KRIS AQUINO

MAHIRAP

TONI

VICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with