^

PSN Showbiz

'Maging mabait ka sa sarili mo!' - Kris

-

MANILA, Philippines - Bukas man sa lahat ang buhay niya, marami pa rin tayong hindi alam tungkol sa tinaguriang Queen of Talk na si Kris Aquino.

Sa pinakabagong isyu ng The Kris Aquino Magazine, kung saan nakasuot ang cover girl ng simple ngunit eleganteng pulang outfit, ay gumawa si Kris ng listahan ng 100 paraan kung paano niya sinusubukang sulitin ang kanyang buhay.

“Maging mabait ka sa sarili mo,” ani Kris na gustong magbigay-inspirasyon sa mga mambabasa, lalo’t sa kanya ay maraming paraan para magawa ito.

Upang pagyamanin pa ang kanyang kaisipan ay ibinunyag niya ang 20 libro na kanyang nabasa na at babasahin pa. Pinangalanan din niya ang 10 kanta ng mga paborito niyang singers na madalas niyang pakinggan. Para mapanatili ang kanyang kagandahan, ipinakita rin ni Kris ang 10 sa mga paborito niyang beauty products na makikita sa kanyang kikay kit, at ang limang paraan para isuot ang jumpsuit na isa sa mga pinaka-latest na damit sa kanyang wardrobe.

Upang makapag-relax naman siya at ma-rejuvenate araw-araw, ibinunyag niya ang 15 bagay na pinakatatago niya sa kanyang banyo. Nagbigay din siya ng 10 tried-and-tested na mga bagay na dapat meron sa kusina, 15 devotional quotes na naging gabay niya sa kanyang passion at mga pangarap. At kung hindi pa ito sapat, binuksan din ni Kris ang kanyang puso sa 15 bagay na natutunan niya kamakailan tungkol sa kanyang sarili. 

Bumili na ng latest issue ng Kris Aquino Magazine sa inyong paboritong newsstands nationwide. 

BUKAS

BUMILI

KANYANG

KRIS

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO MAGAZINE

NIYA

QUEEN OF TALK

UPANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with