^

PSN Showbiz

Zsa Zsa hindi na affected sa ilang beses na balitang pagkamatay ni Mang Dolphy

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - “Hi, guys. Not offended by news ‘coz no truth to it naman. I am so used to it na. ‘Wag lang makakarating sa mga kamag-anak sa abroad kasi siyempre, mag-aalala sila. Thanks for all your prayers. Dolphy is fine and still taping for PIDOL’S WONDERLAND for TV5. I have been posting pictures of Dolphy pa nga since I got back from the US. We were in Hizon’s last night,” kumpletong tweet ni Zsa Zsa Padilla kahapon nang pumutok ang balitang namatay na naman si Mang Dolphy.

Direk tikoy tikom sa isyu kay John Rendez

Hindi nag-comment si Direk Tikoy Aguiluz nang tanungin namin through Ms. Christine Dayrit, Cinema Evaluation Board (CEB) Chairman kung totoong isisingit sa pelikulang El Presidente si John Rendez. Natawa lang sa kabilang linya ng telepono si Direk Tikoy, sabay sabing wala raw siyang alam dahil ang producer na si Gov. ER Ejercito ang siguradong may alam sa kuwento.

Lately kasi ay lumalabas ang issue na gustong ipasok sa movie si Mr. Rendez.

Cherry Mobile nakipag-partner sa Star Records

Nagsanib-puwersa ang Star Records at Cherry Mobile, upang ihandog ang Cherry Music, ang pinakabagong serbisyong papatok sa mga taong mahilig sa musika ng nasabing telephone company.

  Maari nang makapag-download ang Cherry Mobile users ng 100 libreng kanta, 45 araw pagkatapos nilang bilhin ang mobile unit.  

Kasama sa mga maaring pagpilian na kanta ay ang mga sikat na OPM songs mula kina Toni Gonzaga, Maria Aragon, Bugoy Drilon, Jaime Rivera at Marie Digby.

Kamakailan ay nagkaroon ng launching ang ka­nilang partnership. 

May sekreto sa pag-aalaga ng balat, aktor na maraming tagihawat dapat makinig kay Richard

Uy may ‘inililihim’ pala si Richard Gutierrez kaya flawless ang skin at glowing ang aura niya on and off screen.

Ito ang Flawless Real Gentleman kit which comes in gorgeous golden amber hue. Alam kasi ni Richard na ang kalalakihan ay may kakaibang skin composition - oilier at mas madaling kapitan ng acne na karaniwang dahil sa testosterone levels sa kanilang katawan. Pero sa pamamagitan ng paggamit ng Flawless RG Soap twice a day, lalabas ang tunay na kulay at mapipigilan ang pagmamantika at maiiwasang magkaroon ng breakouts ang balat sa mukha.

Kasama sa package ang RG Toner, na dapat gamitin pagkatapos magsabon para maibalik ang natural pH balance ng balat, minimizes the pores (na alam naman na­ting mas malalaki ang pores ng lalaki kesa sa mga babae), removes dirt and oil, kaya mapipigilan ang pag-edad ng hitsura.

At twice a day pala kung gumamit si Richard ng RG Cream to moisturize, soothe the skin, and protect it from the harmful rays of the sun na kasama sa package.

Very lightweight lang daw ang RG Cream kaya hindi ninyo mapi-feel ang lagkit pag naglagay nito.

Kaya gayahin n’yo na si Richard – check out the golden amber hue packages of Flawless Real Gentleman Kit.

Dapat nitong gumamit ang isang aktor na parang rough road ang hitsura ng mukha.

Kaloka, nang makita ko siya minsan na malapitan, sus ang daming tagihawat sa mukha. Kaya nga parati siyang naka-foundation. Pero kahit meron na siyang foundation, kita pa rin ang hindi niya magandang balat sa mukha.

CHERRY MOBILE

CHERRY MUSIC

CHRISTINE DAYRIT

CINEMA EVALUATION

DIREK

DIREK TIKOY

DOLPHY

EL PRESIDENTE

JOHN RENDEZ

STAR RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with