^

PSN Showbiz

Show ni Edu sa TV5 itatapat sa Eat Bulaga at HYY

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Knows ko na ang magiging show ni Edu Manzano sa TV5. Ang sey ng aking source, game show na mala-Game KNB ang concept ng TV program ni Edu sa Kapatid network.

Tuwing tanghali raw ang timeslot ng show na wala pang title kaya ma­kakatapat ito ng Eat Bulaga, Happy Yipee, Yehey, at ng mga afternoon drama series ng GMA 7 at ABS-CBN.

Isa lang ang hindi ko naitanong sa aking very reliable source, ang date ng pagsisimula ng game show ni Edu na ‘napasyalan’ na rin ang mga leading network.

Maria Aragon may time pang memoryahin ang Lupang Hinirang

Ngayon ang arrival sa Pilipinas ni Juan Manuel Marquez, ang Mexican boxer na makakalaban ni  Congressman Manny Pacquiao sa MGM Grand sa November 12.

Ang Manila Hotel ang official residence ni Marquez na bumisita sa Manila para sa  kick off ng promo tour ng boxing match nila ni Papa Manny. Mananatili si Marquez sa Maynila hanggang sa Sabado at baka sabay na ang paglipad nila ni Papa Manny sa New York.

Maaga ang live airing ng Manny Many Prizes sa Sabado dahil magsisimula ito ng 4:00 pm para makahabol si Manny sa flight na magdadala sa kanya sa Amerika. Ganyan ka-hectic ang schedule ng Pambansang Kamao sa Sabado.

Walang tulugan ang drama niya dahil kailangan siya sa New York para sa presscon nila ni Marquez.

Kakantahin daw ni Papa Manny sa presscon ang kanyang hit song na Sometimes When We Touch.

Confirmed na si Maria Aragon ang kakanta ng Philippine National Anthem sa Pacquiao-Marquez fight. May panahon pa si Maria para memoryahin ang lyrics at tono ng Lupang Hinirang.

Hindi masyadong marunong magsalita ng Tagalog si Maria dahil lumaki siya sa Canada. It’s a must na ma-perfect niya ang pagkanta ng Pambansang Awit ng Pilipinas or else, baka mag-react ang mga bossing ng National Commission on Culture and Arts.

Shalani at P-Noy isang taon nang hiwalay

Hindi naman siguro magagalit si Shalani Soledad sa aking discovery na September 2010  nang maghiwalay sila ni P-Noy. Eh September 1 na ngayon, meaning, isang taon nang single si Shalani.

May na-discover pa ako nang dalawin ko si Shalani sa kanyang dressing room noong Martes. Number 5  pala ang kanyang favorite number at sino ang mag-aakala na magiging talent siya ng TV5?

Nalaman ko na number 5 ang favorite number ni Shalani dahil sagana sa numero singko ang kanyang cellphone number. Hindi ko pa naitatanong kay Shalani ang mga significance ng number 5 sa kanyang buhay dahil tinawag na siya ng floor director ng Wil Time Bigtime.

Fake na fans ng loveteam na nabuwag, masipag na namang ‘manakot’

Masipag na naman sa pagpapadala ng e mail sa mga TV executive at entertainment writers ang fans ng isang nabuwag na loveteam.

As usual, death threats ang nilalaman ng kanilang mga e mail. Pinagbabantaan nila ang buhay ng mga TV executive na pumatay sa loveteam ng kanilang mga idol.

Sa totoo lang, imbes na matakot, natawa ang mga nakatanggap ng e mail dahil may halong kabaklaan ang mga pagbabanta.

May mga duda na  fake fans ang mga e mail sender as in kaligayahan na nila ang manakot at mang-goodtime ng kapwa.

Pinoy Explorer ni Aga, for airing na

Ready for airing na ang Pinoy Explorer, ang show ni Aga Muhlach sa TV5. Magsisimula sa September 8 ang Pinoy Explorer at mapapanood ito tuwing Huwebes. 

Maingay ang Pinoy Explorer dahil sa pa-contest ng TV5 na Nasaan Si Aga? May idea ako kung nasaan si Aga pero hindi ko puwedeng sabihin ang bansa na kanyang pinuntahan para hindi ma-spoil ang contest ng TV5. Clue?

Hmmm....may letter E ang lugar na dinayo ni Aga.

LUPANG HINIRANG

MARIA ARAGON

MARQUEZ

NEW YORK

PAPA MANNY

PINOY EXPLORER

SABADO

SHALANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with