^

PSN Showbiz

Nadine at Leandro naghahanap ng bagong kaligayahan

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hindi rin naman completely zero ang love life ni Nadine Samonte dahil exclusively dating sila ng balikbayang aktor na si Leandro Muñoz. Si Leandro ang nakapareha niya sa The Sisters. Nakabase na ito sa US pero nagawa pa rin makagawa rito ng isang series na kung saan ay nagkakilala sila ni Nadine. Diborsiyado si Leandro sa kanyang asawa.

Well, tingnan natin kung hahantong ba ang kanilang padi-date sa isang permanenteng relasyon. May karapatan din sila for a happy relationship ma­ta­­pos silang mabigo pareho sa kanilang dating kapareha sa buhay.

Carla naturuan

ng leksiyon

Tama ang pasya ni Carla Abellana na sa susunod ay hindi na siya magri-react pa sa mga nasusulat tungkol sa kanya. Ito ang leksiyon na natutunan niya sa naging isyu sa kanila ng isang veteran entertainment columnist na pinadalhan niya ng e-mail dahil sa pinaniniwalaan niyang isinulat nito na sinabi niyang hindi sa kanya nagbuhat, ’yun pala nagmula ito sa press release na ipinamahagi ng production sa media.

Malas niya lang dahil ang napili niyang komprontahin ay hindi isang manunulat na intrigero at mapaggawa ng isyu. Straight itong sumulat kaya madaling nainsulto sa ginawa niyang pagbibigay ng babala rito. Naawa rin ako sa kanya dahil agad siyang naipasok sa isang gulo na dapat ay manager niya ang humaharap pero sa kasamaang palad ay pinabayaan siyang lumutas at humarap sa “kaaway.”

vuukle comment

CARLA

CARLA ABELLANA

DIBORSIYADO

LEANDRO

LEANDRO MU

NAAWA

NADINE

NADINE SAMONTE

SI LEANDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with