^

PSN Showbiz

Isang network malapit nang maubusan ng mga talent!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Mauubusan ng talent ang isang network dahil hindi natsi-check ng in charge sa kontrata ang expiration ng kanilang mga talents. Gaya na lamang sa magaling na aktor na last month pa pala expired ang kontrata at kundi pa nabanggit na balak niyang hindi mag-renew ng contract at maging non-exclusive talent, hindi pa malalaman.

Ngayon, kinakausap ang aktor na mag-renew ng kontrata at sana magpapigil ito at hindi ituloy ang balak na umalis sa network at lumipat sa iba. Ganito rin ang situwasyon ng magandang aktres na ’pag ’di napigilan ay baka lumayas na rin.

Madalas itong mangyari sa network at kawawa ang management dahil sila ang taga-habol sa mga talents nilang natatapos ang kontrata na kadalasan late na nila nalalaman dahil hindi sila nai-inform.

Juan Manuel Marquez aapir sa show ni Pacman

Darating pala sa bansa si Juan Manuel Marquez para sa first leg ng Trilogy World Press Tour sa muling paghaharap nila ni Manny Pacquiao. Special guest siya sa Manny Many Prizes na gagawin sa Quirino Grandstand sa Sept. 3 pero bago lumabas sa show, haharap na siya sa press at sina Dingdong Dantes at Rachelle Ann Go ang mga hosts ng event.

   Sunud-sunod ang hosting assignment ni Dingdong dahil siya rin ang Gala Presentor ng Protégé: The Battle for the Big Break na Sept. 4 ang premiere. Thankful ito na isa siya sa mga three hosts ng first of its kind singing competition at kasama niya sina Ogie Alcasid as Journey Host at Jennylyn Mercado as Reality Host.

Malapit na ring mapanood umarte si Dingdong dahil this week na ang storycon ng Sundo nila ni Rhian Ramos. Kasama rito sina Louise delos Reyes at Alden Richards at marami pang iba.

ALDEN RICHARDS

BIG BREAK

DINGDONG DANTES

GALA PRESENTOR

JENNYLYN MERCADO

JOURNEY HOST

JUAN MANUEL MARQUEZ

MANNY MANY PRIZES

OGIE ALCASID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with