Vice sobra ang pagnanasa kay Derek
Aminado si Vice Ganda na may nararamdaman siyang pagnanasa kay Derek Ramsay. In fact, dahil sa nararamdaman niya, nahihiya siya sa leading man niya sa pelikulang Private Benjamin. ’Pag nagbibihis nga ang aktor, tumatalikod siya sa hiya.
“Natatakot ako na baka hindi ko mapigil ang nararamdaman ko,” sabi ng komedyante tungkol sa boyfriend ni Angelica Panganiban.
At sa takot niya kay Angelica, hindi niya malandi ang aktor.
“Kahit ’yung sa mga eksena ng landian, nahihiya talaga ako. ’Yung mga yakap-yakap na nakahubad siya, hindi ko maganun ’yung kamay ko, nahihiya ako talaga,” pag-amin niya na nag-demonstrate kung paano ’yung kamay niya.
“Hanggang imahinasyon ko lang ito.”
Nakausap kahapon sa presscon ng Globe si Vice kung saan isa siya sa mga endorsers kasama sina Sarah Geronimo and Gerald Anderson.
Sinagot din niya ang issue tungkol sa dalawang nali-link sa kanyang sina Jon Avila at Kean Cipriano.
Ayon sa komedyante, barkada lang ang turingan nilang tatlo pero true na may selosan factor sa dalawa lalo na nga’t kasama niya sa US concert si Jon. Nauna na niyang naisama si Kean.
Anak nina Patrick at Jen nakapagsalita nang mag-eskuwela
Salamat naman at nakakapagsalita na pala ang anak nina Patrick Garcia and Jennylyn Mercado. Tinanong kasi namin minsan ang aktor kung kumusta na ang anak nilang si Alex Jazz dahil three years old na ay hindi pa gaanong tuwid magsalita.
Pero sa presscon ng Iglot last week kung saan isa sa mga main characters ang aktor, sinabi nitong simula nang mag-school ang anak nila, naging madaldal na ito. “Okay na siya. Medyo madaldal na,” sabi ng aktor.
Tuwing bakante si Patrick, sinisiguro niyang nasasamahan niya ang anak sa school at binabantayan niya hanggang matapos ang klase nito.
Karaniwang tatlong oras lang ang klase ng nursery student.
Aminado naman si Patrick na medyo nag-alala sila noong na-delay ang pagsasalita ni Jazz.
Almost laos na singer sobra pa rin kung sumingil
Kahit pala almost laos (AL) na ang isang singer, over pa rin itong maningil ng talent fee.
Yup, minsan ay naisipan itong i-recommend ng isang friend din niyang singer na i-guest sa isang concert dahil naawa ang friend na singer sa almost laos na singer. Ang kaso, nadismaya ang produ dahil naningil ng mahal si AL. Pero wala namang nagawa ang produ dahil consideration na rin sa singer na nag-recommend.
Lately ay wala kasi talagang kita si AL na singer kaya siguro ’pag may pagkakataong makasingil ng mahal, sinasamantala na.
Kaya sino pa kayang kukuha sa kanya kung ganyan siya ’di ba?
O baka hindi pa niya nare-realize na marami nang mas magaling na singer sa kanya ngayon.
- Latest