^

PSN Showbiz

KC napahiya, Sharon napaaga ang pag-react kay Piolo

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Marami ang nagulat sa ginawang pagpalag ni Sharon Cuneta sa diumano’y pagbabalewala ni Piolo Pascual sa kanyang anak na si KC Concepcion. Bakit kinakailangan na mag-react ito gayong ni walang naririnig ni anuman mula sa kanyang anak? Akala nila ay hindi nakikialam si Megastar sa affairs of the heart ng kanyang dalaga, eh ano ba ang tawag sa kanyang ginawa?

Kayo naman, natural nanay si Sharon, kapaka­nan ng anak niya ang palaging nasa isip niya. Pero sana ay isinikreto na lamang ni Shawie ang nararamdaman niya, para rin hindi napapahiya ang anak niya. Hindi naman aware ang publiko sa dinadanas ni KC eh, kapag naayos ang gulo nila ni Piolo, maganda kung mangyari ito ng wala ng nakakaalam pang iba.

Trabaho lang, di kasali ang personal na buhay

Hindi naman tama ’yung sinabi ng isang reporter na tameme lang ako kay Nora Aunor kapag si John Rendez na ang nasasangkot. Gusto ko lang sabihin sa lahat na personal ang bagay na ito kay Nora at ang trabaho ko sa kanya ay ’yung sa business side lamang. Ngayon kung nakakaapekto ito sa trabaho niya, dun puwede akong makialam. Otherwise, wala po akong karapatang makialam.

’Yun palagi ang problema ng marami sa atin. Pinakikialaman natin ’yung personal ng kaibigan natin. Even among friends may hangganan ang pakikialam na pinalalabas nating pagiging concern. Kailangang igalang natin ang privacy ng isa’t isa. Kapag hiningi lamang nila ang ating tulong at payo, dun na tayo puwedeng manghimasok. Klaro ba? To borrow Anna Manalastas’ words: “Kuha n’yo?”

Jolens biglang naging daring

Nagulat ako sa ’yo Jolina ha? Nabalitaan lang na magpapakasal ka na ay naging daring ka na. Nakita ko ’yung trailer ng Iglot na hinahabol mo ng halik ang dati mong ka-love team na si Marvin Agustin. At nung mahabol mo siya, hindi simple lang ang halikan n’yo, talagang mainit ’yun!

Ito na ba ang bago mong image, Jolens? Handa ka na bang magpaka-daring? Ano naman ang say dito ng future groom mo? Kung sabagay, you’re old enough para mag-portray ng mga mature roles at kung kakayanin mo naman, bakit hindi. Kaya lang, unti-untiin mo naman, huwag mong bibiglain ang mga fans mo. Bigyan mo sila ng panahon na ma­ka-adjust sa pagbabagong gagawin mo.

ANNA MANALASTAS

ANO

BAKIT

JOHN RENDEZ

JOLENS

MARVIN AGUSTIN

NORA AUNOR

PIOLO PASCUAL

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with