^

PSN Showbiz

Eugene at Pokwang parehong nangangailangan ng lalaki!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

’Kaloka ano, parehong lalaki ang hanap ng komedyanteng sina Eugene Domingo and Pokwang?

Yup, parehong maganda ang career nila, pero wala naman silang mga makuhang lalaking magpapasaya sa kani-kanilang mga buhay.

Si Pokwang ang naabutan ko kahapon sa The Buzz na wini-wish ng mga kaibigan niyang aktor na sina Robin Padilla, Zanjoe Marudo, Albert Martinez, Piolo Pascual, at iba. Pero ang pinaka-bonggang message ay ang kay Zanjoe na sana ay makakuha na ito ng lalaking makakasama gabi-gabi sa kama. Deretsahan ang sabi niya ha?

Si Eugene ay very vocal na gusto nang magpakasal na nataon naman sa pelikula nila na Wedding Tayo Wedding Hindi. 

Meaning may shortage ng men. Sadly, parehong mayaman ang dalawa pero walang mga papa.

Aktres kinaaawaan dahil sa aktor na karelasyon

Marami nang naaawa sa isang aktres na karelasyon ng aktor.

Paano raw naman hindi ito kaaawaan, eh nagtitiis ito sa ginagawa sa kanya ng aktor?

Ni hindi siya ipinakikilala ng aktor sa pamilya nito habang ang aktres ay proud na proud sa karelasyong aktor. Kahit sa mga kaibigan nito, hindi ipinakikilala ng aktor ang karelasyon.

Ang feeling ng malalapit sa aktres, mukhang hindi naman in love ang aktor sa aktres at nasasayang lang ang pagmamahal ng aktres dito.

Sana ay maisip ng aktres na baka masaktan lang siya ng husto sa ending ng kanilang relasyon kaya’t sana ay magising na ito sa katotohanan. 

AKTOR

AKTRES

ALBERT MARTINEZ

EUGENE DOMINGO

PIOLO PASCUAL

ROBIN PADILLA

SI EUGENE

SI POKWANG

WEDDING TAYO WEDDING HINDI

ZANJOE MARUDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with