^

PSN Showbiz

Paolo problemado sa anak na 'di na nakikita

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

May mga naawa kay Paolo Ballesteros nang mapanood kahapon sa Showbiz Central ang interbyu sa kanya. Malungkot na malungkot si Paolo dahil hindi na ipinakikita sa kanya ang lovechild niya.

Humingi na si Paolo ng tulong sa Department of Social Welfare and De­velop­ment (DSWD)-Baguio City pero walang nangyayari. Nasa Amerika ang ina ng bagets at pumayag na ito na makuha ni Paolo ang custody ng bata pero ayaw itong ibigay ng ina ng girlfriend ng aktor.

Noon ko pa narinig ang balita na namomroblema si Paolo pero hindi muna siya nagsalita dahil sa takot na lalong hindi ipakita sa kanya ang anak. Kung napanood ninyo kahapon ang Showbiz Central, nakita ninyo ang pagluha ni Paolo na miss na miss na ang anak na itinatago ng kanyang “mother in-law”.

Anjo natensiyon na na-dengue ang asawat anak

Nakakaloka ang nangyari sa mag-asawang Anjo Yllana at Jackie Manzano dahil naging biktima ng dengue ang kanilang anak na babae. Si Jackie ang nagbantay sa bagets pero ang hindi niya alam, mababa na rin ang kanyang platelets as in may dengue na rin siya.

Natensyon si Anjo dahil hindi niya akalain na dalawang miyembro sa kanyang pamilya ang may sakit na dengue. Inamin ni Anjo na naloka siya dahil sa mga napapanood niya sa TV tungkol sa mga pasyente na namatay dahil sa dengue.

Claudine nakaka-dalawang primetime na sa Kapuso

Ngayong gabi ang pilot telecast ng Iglot ng GMA7. Starring sa Iglot sina Claudine Barretto, Marvin Agustin, Jolina Magdangal, at marami pang iba. Special guest co-host si Claudine ng Showbiz Central para ma-promote niya ang kanyang second primetime show sa Kapuso Network.

May mga pumalag sa pralala na ang Iglot ang unang malaking primetime show ni Claudine sa GMA 7 dahil umapir na siya noon sa Jillian: Namamasko Po. Malaki at mahaba ang role ni Claudine sa Namamasko Po na napanood sa primetime slot ng Kapuso channel kaya hindi puwedeng sabihin na ang Iglot ang kanyang unang primetime show.

vuukle comment

ANJO

ANJO YLLANA

BAGUIO CITY

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DAHIL

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DE

IGLOT

NAMAMASKO PO

SHOWBIZ CENTRAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with