Cristine nakabalik na sa trabaho!
Kamakailan ay nakaramdam si Cristine Reyes ng matinding pagod at madalas na sumasama ang pakiramdam kaya isinugod sa ospital habang siya ay nasa taping ng teleseryeng Reputasyon.
“Doon na siguro talaga siya sinumpong ng sakit niya, busy naman talaga kasi ’yung tao. Kahit sino naman sa atin bibigay katawan natin kung lagare nang lagare. Kasi si AA (Cristine), mabilis sumama ang pakiramdam kasi nga sa sobrang busy, siguro bumaba ang immune system. Konting maambunan lang, tinatamaan agad ng sakit, pero ’yung time na ’yun talaga, grabe ang taas ng lagnat niya,” kuwento ni Rayver Cruz.
Kasama si Rayver nang itakbo si Cristine sa ospital kaya labis siyang nag-alala para sa kanyang girlfriend.
“Kapag walang work, nandoon ako pati family ko pumupunta rin. Noong una, talagang hinigpitan na wala na masyadong bisita kasi para makapagpahinga. Ngayon okay naman siya,” dagdag pa ni Rayver.
Ano kaya ang mangyayari sa seryeng Reputasyon dahil matagal-tagal ding hindi nakapag-taping si Cristine?
“May magagandang twists na naisip ang mga writers so tuloy pa rin ’yung story. Tuloy pa rin ang Reputasyon at ’di naman puwedeng tapusin ang Reputasyon na wala ’yung bida. Tuloy pa rin iyon. Huwag na sila mag-alala,” pagtatapos ni Rayver.
Kahapon ay muli nang nakapag-taping ang aktres para sa nasabing serye.
Sam umaming nahirapang tanggapin ang relasyon nina Anne at Erwann
Matagal-tagal na ring magkahiwalay ang dating magkasintahan na sina Sam Milby at Anne Curtis. Ngayon ay nananatiling single pa rin ang aktor habang si Anne naman ay masaya sa relasyon nila ni Erwann Heussaff.
Ano na nga ba ang lagay ng puso ni Sam ngayong nali-link din sila ni Kim Chiu?
“I think heartbroken. Ngayon wala akong love life, naghihintay lang. Minsan nakakalungkot kasi mag-isa ako sa bahay. Lahat ng kaibigan ko may love life, masarap magkaroon ng love life. Inspirasyon, kilig ulit.
“I think everything happens for a reason, alam ko darating. It’s not that I’m rushing, darating ang araw magiging masaya ako,” seryosong pahayag ni Sam.
Masaya naman siya sa pagiging masaya sa relasyon ng ex-girlfriend at ni Erwann. “I’m happy for her. Nahihirapan ako dati pero you learn to cope and move on. I know happy sila. So, I’m happy for them and ako happy dahil okay kami,” pagtatapat pa ni Sam. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest