Miss Silka Quezon 2011 hinahanap!
MANILA, Philippines - Pagkatapos ng successful provincial screening ng Miss Silka 2011 sa Batangas at Laguna, may chance naman ang mga taga-Quezon province na i-flaunt ang kanilang ganda sa Miss Silka Quezon 2011 screening.
Inaanyayahan ang mga kababaihan, 16 to 23 years old, single, at least 5’3” in height at bonafide residents ng Quezon province na sumali.
Ang schedule ng screening ay ang mga sumusunod: Aug. 27 – 8 to 11 a.m. (Victorinas Mart – Lopez), Aug. 27 – 1 to 5 p.m. (Caparros Mart – Gumaca), Aug. 29 – 8 to 11 a.m. (GL Gen. Merchandise – Gumaca), Aug. 29 – 1 to 5 p.m. (Pag-asa Supermart – Atimonan), Aug. 30 – 8 to 11 a.m. (South Emerald – Candelaria) at Aug. 30 – 1 to 5 p.m. (La Suerte Mega – Pagbilao).
Samantala, para sa mga participants from Batangas province, gaganapin ang presentation of candidates sa kanilang lugar on Sept 4. Ang PBB heartthrob at commercial model na si Johan Santos ang magiging special guest dito.
Ang mga mananalo sa iba’t ibang probinsiya ay maghaharap sa coronation night sa October at doon pipiliin ang magiging Miss Silka 2011.
Ang Miss Silka 2011 ay hatid ng Cosmetique Asia.
- Latest