Human trafficking sa bansa, bubusisiin ni Ted Failon
MANILA, Philippines - Talamak na ang bentahan ng laman sa ating bansa at bilang tugon, raid ang kadalasang isinasagawa ng kinauukulan. Pero ano nga ba ang nangyayari pagkatapos ng raid?
Aalamin ni Ted Failon kung sapat na nga ba ang pangre-raid na ginagawa ng mga pulis sa mga bahay aliwan para puksain ang problema sa human trafficking sa bansa ngayong Sabado (Aug 27) sa Failon Ngayon.
Titiktikan ng batikang broadcast journalist kung napapasara nga ba ang mga establisyamentong kumakalakal ng laman o nakakapag-operate muli ito matapos ang pansamantalang pagsasara.
Ayon sa www.humantrafficking.org, ang Pilipinas ang pinanggagalingan, dinadaanan, at ang destinasyon ng mga biktima ng human trafficking.
Maging bahagi ng solusyon at aksyon sa Failon Ngayon, 4:45 p.m.
Bago iyan, samahan muna si Julius Babao sa kanyang pagbusisi sa pag-aari ng motorsiklo ng mga Pinoy at kung paano ito nakakadagdag sa bilang ng aksidente at krimen sa bansa.
Tunghayan ang buong report sa dokumentaryong Motorsiklo sa ABS-CBN News and Current Affairs Special Report, 4 p.m. ngayong Sabado (Aug 27) sa ABS-CBN.
- Latest