^

PSN Showbiz

Venus tsutsugiin na sa UKG

RATED A - Aster Amoyo -

Pansamantalang humalili kay Pinky Webb sa Umagang Kay Ganda si Bernadette Sembrano na kung tutuusin ay dating kasama sa nasabing prog­rama na ang balita namin ay muling magre-reformat kung saan may ilang kasama sa programa ang mawawala at papasok naman ang ibang bagong miyembro.

Gaano rin kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na isa umano sa mawawala sa morning show ay ang dating Miss Universe runner-up na si Maria Venus Raj?

Charo nagpaplano nang magretiro sa ABS-CBN

Alam mo, Salve A., we chanced upon Ms. Charo Santos-Concio over lunch sa Toki Restaurant sa Bonifacio Global City nung nakaraang linggo kasama ang kanyang pamilya. Ito mismo ang nagbalita sa amin na in four years ay magre-retire na siya sa kanyang trabaho bilang presidente ng ABS-CBN as she’s nearing the retireable age of 60.

Ang hindi lamang namin natanong sa kanya ay kung magpapatuloy pa rin siya sa paghu-host ng kanyang longest-running weekly drama anthology, ang Maalaala Mo Kaya.

Pero kahit nasa mid-50s na si Charo, mapagkakamalan pa rin ito to be in her 40s lamang.

Thanks to Dr. Jonathan Dizon of St. Luke’s (Quezon City) na siyang nangangalaga sa youthful-looking skin ni Charo.

Sikat na male singer nabuking na tourist visa ang gamit sa Japan imbes na working visa

Isang sikat na male singer ang malamang na ma-A to A (airport to airport) at ma-ban sa Japan dahil na-discover ng Japan immigration na tourist visa ang hawak nito sa halip na working visa. Napag-alaman namin na marami ang bookings ng singer sa iba’t ibang club doon. Sa hindi malamang dahilan, ito’y nakarating sa kaalaman ng immigration office (dahil may nagsumbong?) kaya ito’y malamang na mapauwi ng Pilipinas ng wala sa oras.

Kung tutuusin, walang kasalanan ang male singer kundi ang kanyang promoter o ang nag-imbita sa kanya sa Japan dahil sa halip na i-apply siya ng Certificate of Eligibility (COE) sa Japan Immigration na isa sa mga requirements for working visa, tourist visa ang ini-apply sa kanya na siyang “normal” na ginagawa ng mga promoters na nagdadala ng talents sa Japan.

Sobrang higpit ang Japan Immigration lalo na sa mga talents na nagpi-perform sa kanilang bansa ng walang kaukulang papeles o dokumento.

Early this year, napabalitang na-A to A ang aktor na si John Lloyd Cruz for the same offense. Tourist visa ang kanyang tangan sa halip na working visa. Noong isang taon, ang tropa ng Pop Princess na si Sarah Geronimo and an entourage of 27 kasama sina Randy Santiago at iba pa ang hindi nabigyan ng kaukulang visa dahil pang-tourist ang kinuha sa grupo sa halip nga na working visa. Nagkataon na nakarating sa kaalaman ng Japan Immigration na magsu-show sa Japan si Sarah kasama ang ibang talents. Kaya naman sa Aug. 28 (Sunday) concert ni Sarah sa Tokyo na produced ng WorldCom-Japan, sinigurado ng presidente ng kumpanya at publisher ng DP Magazine (Japan) na si Luisa de Leon na may kaukulang working visa ang Pop Princess at maging ang special guest performer ng concert na si Gino Padilla.

Bukod sa parents ni Sarah and her official entourage, sasamahan din ang pop singer-actress sa Tokyo ng kanyang management company (Viva), led by Boss Vic del Rosario, just to make sure na walang magiging problema pagda­ting nila sa Japan.

Alam mo, Salve A., marami-rami na ring talents o mga artista ang naging biktima at patuloy na nagiging biktima ng maraming Filipino promoters or agents na patuloy na nagdadala ng mga artista o singers sa Japan pero patuloy pa rin silang pinagkakatiwalaan ng mga talents o kung hindi man ng mga talent managers.

Iwa ayaw nang habulin ang ex-BF

Nasa Tokyo, Japan pa rin si Iwa Moto (Aileen Iwamoto sa tunay na buhay) para asikasuhin ang kanyang citizenship documents dahil sumakabilang-buhay na ang kanyang Japanese father. May three weeks na rin siya sa Japan at hindi pa umano siya sigurado sa petsa ng kanyang pagbalik ng Pilipinas. 

Ayon sa kanya, nakabuti rin ang pananatili niya sa bansa ng mga Hapon para pansamantalang makaiwas sa mga intriga and at the same time, makapagpahinga na rin.

Personal na pinabulaanan ni Iwa sa amin ang lumabas na balita na nagsabi siya na may pasasabugin siya laban sa kanyang ex-boyfriend na si Mickey Ablan at bagong kasintahan nitong si Janna Dominguez pagbalik niya ng Pilipinas. Sa halip, klinaro ni Iwa na wala na umano siyang pakialam sa dating nobyo at sa bagong karelasyon nito ngayon.  

Paglipat ni Tintin may basbas ni Julius

Hiwalay na ang mag-asawang Julius Babao at Christine Bersola ng TV network na pinaglilingkuran.

Nanatili si Julius sa Kapamilya Network (ABS-CBN) at si Tintin naman sa TV5 o Kapatid Network pero hindi ito issue sa kanila.

May basbas si Julius sa paglipat ni Tintin dahil matagal-tagal na rin naman itong walang TV show sa ABS-CBN.

CHARO

JAPAN

JAPAN IMMIGRATION

KANYANG

PILIPINAS

POP PRINCESS

RIN

VISA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with