Nagpakalkal na naman, mukha ng aktres namamaga!
Mama Salve, curious ako, nagpakalkal ba ng mukha ang isang aktres kaya manas ang itsura niya? Nanibago ako sa face ng aktres nang mapanood ko siya sa TV dahil parang namamaga ito na hindi mo maintindihan.
Ewan ko ba kung bakit ang hilig-hilig ng ibang mga aktres na ipagalaw sa mga beauty doctor ang kanilang mukha? Kadalasan, pangit ang epekto dahil nawawala ang kanilang natural na ganda.
Mother Lily nagpaalam bago nag-walk out
May nagtatanong sa akin kung true ba na nag-walk out si Mother Lily Monteverde sa presscon ng My Neighbor’s Wife pero bago nag-walk out, nagpaalam muna siya sa mga reporter at cast ng pelikula. Walk-out ba ang tawag doon?
I’m sure, umiral uli ang pagiging karakter ni Mother kaya nagkaroon din siya ng sariling eksena sa pinag-uusapan na presscon ng My Neighbor’s Wife.
Carla ipinaHaMak sa ‘sulat’ ng iba
May nasagap ako na balita tungkol sa e mail na ipinadala ni Carla Abellana kay Papa Mario Bautista.
Ang tsismis, ibang tao at hindi raw si Carla ang nag-compose at nagpadala ng nakaka-offend na e mail. Isang tao raw na malapit din kay Carla.
Kung totoo man ang kumakalat na tsismis, may dapat ika-guilty ang gumawa ng sulat dahil nalagay si Carla sa alanganin na sitwasyon.
Direktor ng Iglot nawalan ng boses sa ngaragang taping
Nag-presscon na rin ang Iglot noong Martes ng gabi. Ipinakilala sa press people ang buong cast ng Iglot at ang bagong tuklas na child star ng GMA 7 na nahihirapan ako na matandaan ang name.
Itlog ang ibig sabihin ng Iglot. Iglot ang title ng show dahil hindi mabigkas nang diretso ng child star na bida ang salitang itlog.
Si Gil Tejada ang direktor ng Iglot. Si Gil na ilang araw nang walang boses dahil sa magdamag na taping ng bagong primetime show ng GMA 7.
Starring sa Iglot sina Claudine Barretto, Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Patrick Garcia, Manay Celia Rodriguez, at marami pang iba.
Happy ako para kay Manay Celia dahil hindi siya nawawalan ng project sa Kapuso network. Mataray at supladita ang image ni Manay Celia pero alam n’yo ba na isa siya sa mga pinakamabait na artista?
I should know dahil saksi ako sa mga kabutihan sa kapwa ni Manay Celia.
Misconception lang na mataray siya.
Shamcey inaasahan sa Miss U
Nakarating na si Shamcey Supsup sa Brazil para sa Miss Universe.
Hoping ang mga Pilipino na maiuuwi ni Shamcey ang Miss Universe crown dahil matagal nang walang Miss Universe winner ang ating bansa.
Si Miriam Quiambao ang huling Pilipina na muntik nang mag-win sa prestigious beauty contest sa buong mundo nang makuha niya ang 1st runner-up place noong 1999.
Abot kamay ni Venus Raj ang Miss Universe title noong nakaraang taon pero sumablay siya sa question and answer portion.
Matalino si Shamcey pero hindi ‘yun enough para masungkit niya ang mailap na korona.
Usually, may luck na kakambal ang pagsali sa mga beauty contest. Wala itong ipinagkaiba sa mga artista na marami ang magaganda, guwapo at mahuhusay umarte pero iilan lamang ang sumisikat nang husto dahil sa suwerte.
- Latest