Anak ni Da King walang interes magpalaki ng boobs
I’m sure matutuwa si Da King Fernando Poe Jr. kung makikita niya ngayon si Lovi Poe. His little girl has turned into a beautiful woman and a capable actress.
Nakita ko siya sa birthday party ni Mother Lily at gandang-ganda ako sa kanya. Hindi nakakabawas ng kanyang kaseksihan ang kakulangan niya ng boobs. At pinupuri ko siya sa kawalan niya ng interes na magpa-enhance. Maganda na siya as it is, wala nang kailangan pang idagdag.
Edgar Allan may dapat patunayan sa regal
Sana nga hindi biguin ni Edgar Allan Guzman ang pagtitiwalang ibinibigay sa kanya ni Mother Lily. Ang daming movies na nakalinya para sa kanya sa Regal.
Suwerte ng dating Mr.Pogi. Bagaman at matagal bago niya narating ang stardom, it’s all worth waiting for. Suwerte niya na nag-try siya sa indie films, kung hindi niya ito ginawa ay baka hanggang ngayon, nagta-try pa rin siya.
Hindi lamang trabaho ang ibinigay sa kanya ng indie films, kinilala rin dito ang kanyang talino sa pag-arte. Which led him to become a Regal baby,
Dennis, Dingdong, etc. pangkapatid na lang ng mga bagets?
May dapat sigurong ipangamba ang mga kasalukuyan nating artista ngayon. Kapag lumusot ang pinauusong bagets movies ay ma-relegate sila sa mga roles ng magulang o kapatid na lamang ng mga bagets. Eh nakapanghihinayang naman dahil they will age before their time.
Can you imagine sina Dennis Trillo, Dingdong Dantes, Aljur Abrenica, Richard Gutierrez, na kapatid na lamang nina Jake Roxas, Joshua, Bea Binene, Barbie Forteza, Louise delos Reyes, Alden Richards, Lexi Fernandez atbp.?
Ako ayaw kong isipin although I’m praying na sana nga magkaroon ng trend para sa mga bagets ‘di lamang sa pelikula kundi maging sa TV.
- Latest