Eugene 'mangangampanya' sa abroad
Labis ang pasasalamat ni Eugene Domingo ngayon dahil makikilahok sa ilang international film festivals ang pelikula niyang Ang Babae sa Septic Tank na umani rin ng maraming parangal kamakailan sa Cinemalaya 2011.
“Sure na sure na kami sa Pusan International Film Festival sa Korea for exhibition, and another competitions sa Vancouver International Film Festival. Siyempre pupunta roon to support, mangangampanya na parang beauty queen. Makadagdag sana sa audience choice awards,” nakangiting pahayag ng komedyana.
Ipa-prioritize na kaya ni Uge ang paggawa ng independent films ngayong mas maraming nakapansin sa kanya sa indie?
“Hindi mo masasabi ’yan kasi iba ang proseso at pareho silang nakakapagbigay ng satisfaction sa akin. Kailangang balanced and I always go for balance,” paliwanag ng aktres.
Masayang-masaya si Eugene sa lahat ng mga biyayang natatanggap niya ngayon. Sabi niya, “I feel so blessed, sa rami ng mga artista nabibigyan talaga ako ng magandang roles na gusto ko talaga. Nagpapasalamat ako at hindi ko masasabing parang gusto ko pa ng maraming-marami.”
Samantala, sa Aug. 31 ay muli na naman tayong patatawanin ni Eugene sa pelikulang pinagsamahan nila ni Toni Gonzaga mula sa Star Cinema at OctoArts Films, ang Wedding Tayo, Wedding Hindi.
Napahanga si Uge sa pagiging magaling ni Toni bilang aktres.
“Ang galing-galing niya, ang husay ng timing. Sa tingin ko sa generation niya, sa batch niya, wala siyang katulad. That’s why she stands out. Natutuwa ako dahil na-accept niya ’yung role na ganyan, konti na lang mukha na siyang tuta. Alam mo ’yun, game na game, ’yun ang gusto ko,” giit pa ni Eugene.
Aktres umamin, Juday at Ryan maraming dinaraanang problema
Kamakailan ay nagsimula nang mag-shooting sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo para sa pelikula nilang kalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF). Kahit kabi-kabila ang proyekto ng mag-asawa ay sinisiguro pa rin nilang may oras pa rin sila pareho para sa kanilang mga anak na sina Yohan at Lucho. “Kami ni Ryan hangga’t maaari kung kakayanin na weekend nasa bahay kami with kids, better,” pahayag ni Juday.
“Sulit ang pagod sa trabaho dahil pag-uwi ko, si Yohan sumasalubong. Si Lucho nandiyan din, nakayapos, sobrang sarap,” kuwento naman ni Ryan.
Minsan ay nagkakaroon din ng problema ang pagsasama ng dalawa pero mas lalo nilang pinagtitibay ang kanilang relasyon.
“Hindi naman kami perfect, marami rin kaming dinadaanang problema, maraming isyu, but we never lose humor and nakasandal din kami sa pamilya at kaibigan,” paliwanag ni Juday.
“Wala namang ideal na relasyon eh. It’s a work in progress, bawat araw, bawat oras na dumadaan, may mga sitwasyon na nangyayari na sa palagay ko ay sadya siyang ginagawa ng Diyos para may mapulot kayong magandang aral,” makahulugang sabi ng TV host-actor. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest