Isyu ng co-produ at director pinoproblema ng isa sa mga bida ng pelikula
May problema sa napiling director ang isang sisimulang pelikula ang isa sa mga bida nito. Bad shot daw sa co-producer ang director dahil hindi tinapos ang last project nito sa isang major company at nasayang ang ilang araw na na-shoot at ang talent fee na ibinayad sa cast.
Kaso, naipangako ng isa sa mga bida sa director ang pelikula at may word of honor ang artistang ito kaya ipinaglalaban si Direk. Sana maayos na ang problema para masimulan na ang shooting ng pelikulang marami ang naghihintay.
Ang isa pang bida tuloy ang namomroblema sa issue ng dalawa. Pero malaki ang tiwala nitong maaayos din ang lahat at makapag-start na silang mag-shooting.
Jake hindi kilala si Paulo Avelino
Isa pang nakaka-miss kay Douglas Quijano ay si Jake Cuenca, nang makausap namin ito sa birthday party ni Mother Lily, nabanggit na kung buhay si DQ, tiyak na matutuwa na gumagawa siya ng movie sa Regal Entertainment.
Isa si Jake sa apat na bida ng My Neighbor’s Wife na showing sa September 14. Masaya at masarap daw kunan ang love scene nila nina Carla Abellana at Lovi Poe, pero naging gentleman at inalagaan nila ni Dennis Trillo sa maseselang eksena ang dalawang aktres na gaya ni Dennis at direk Jun Lana ay pawang taga-GMA 7.
Pinag-react namin si Jake sa paglipat ni Paulo Avelino sa ABS-CBN at sabi nito:
“Hindi ako masyadong familiar sa kanya, pero nakikita ko siya. I wish him all the best. Ganun din ang ginawa ko dati, dapat galingan niya, malaking bagay ‘yun. Karerin mo na, ibigay mo na lahat at sa nakikita ko, magaling siyang artista at sana makatrabaho ko siya sa ABS-CBN.”
Bagong pelikula ng Tween Academy sisimulan agad
Nakakatuwa ang fans ng cast ng Tween Academy: Class of 2012 dahil karamihan sa kanila, sumunod sa panawagan ng favorite love team nilang magsuot ng lavender sa premiere night ng movie. Kaya naglipana ang mga naka-lavender sa SM Megamall last Saturday.
Hanggang kahapon, nag-promote sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio ng movie nilang showing na bukas sa Eat…Bulaga at hanggang August 28, pa ang mall tour ng cast sa SM Baliwag. Masaya ang cast at walang pasaway, but how true na ang parents ng iba sa kanila ang nagpapasaway?
Nabanggit ni direk Mark Reyes na this week, magbi-brainstorming na sila para sa Tween Academy: The Musical at sa November, shooting na sila dahil sa Black Saturday ang playdate ng follow-up movie ng mga bagets.
Galit ni Annabelle Rama sa pagdating ni Paris Hilton humupa na
Na-tweet ni Ruffa Gutierrez na nag-dinner sila ni Annabelle Rama noong Saturday sa bahay ng boss niya sa Century Properties na kanyang ini-endorse. Tsika nito, five-course meal na hinanda ni Margarita Fores ang inihain sa kanila.
Ibig sabihin, bati na sina Annabelle at Robbie Antonio after ng rift nila sa pagdating ni Paris Hilton? Tweet ni Ruffa, “I love mg Century Properties family.”
- Latest