Dennis at Lovi sobrang wild ang love scene
Pinaghandaan ni Dennis Trillo ang beach scene nila nina Carla Abellana, Jake Cuenca at Lovi Poe sa My Neighbor’s Wife dahil ayaw daw niyang mapahiya sa mga kasama kung maghuhubad na may bilbil siya. Kaya nag-diet at nag-exercise siya and lives a healthy life for months.
“At least pumantay ako kay Jake, pero walang talbugan,” sabi ni Dennis na sa nasabing eksena ay suot ang Speedo trunks niya. “Soo hot, at very, very hot” ang description niya sa pelikulang showing na sa September 14.
Natutuwa si Dennis na nakagawa siya ng mature movie na hindi bastos at hindi malaswa kahit sensual ang mga eksena nila. Bilib siya kina Carla at Lovi dahil masunurin kay direk Jun Lana at alam na hindi puwedeng dayain ang mga eksena.
Si Lovi ang asawa ni Dennis sa movie, pero may love scene rin siya kay Carla na misis naman ni Jake. Paano niya prinotektahan si Carla sa first love scene nito?
“Gaya sa ginagawa ko sa iba, andun ang respeto ko sa kanya at bago namin gawin ang eksena, nag-usap kami para mawala ang kaba niya. Mas wild ang love scene namin ni Lovi at wala kaming love scene sa kama, sa iba’t ibang lugar. Exciting, pero kailangang mag-ingat,” kuwento ni Dennis.
Nagulat pala si Dennis nang malamang may sakit ang ex niyang si Cristine Reyes, pero siguro naman hindi niya ito dadalawin sa ospital kahit ok na sila bilang respeto sa BF ng aktres na si Rayver Cruz.
Derrick hindi nakapagpigil kay Bea
Naaliw ang press sa pagiging maligalig at kaprangkahan ni Derrick Monasterio sa presscon ng Tween Academy : Class of 2012. ‘Kaloka ring kay Mark McMahon niya dedicated ang song niyang Ikaw ang Aking Pangarap sa halip na sa ka-love team niyang si Lexi Fernandez at sa crush niyang si Bea Binene.
Ang itinanggi ni Bea na pinagsabihan silang dumistansiya dahil naaapektuhan ang love team nina Bea at Jake Vargas ay inamin ni Derrick. Tinanong muna kami kung hindi makakasamang magsabi ng totoo at inamin ngang pinaiiwas siya kay Bea. Kaso lang, hindi nakapagpigil si Derrick dahil nang makita si Bea ay binati ng “you’re so pretty today Miss Bea” na ikinagulat ng dalagita. Hahaha!
Ang itinanggi ay ang tsikang siya ang unang bisita ni Barbie Forteza nang lumipat sa condo unit ang young actress. Kilala raw niya ang first visitor ni Barbie, pero ‘di sinabi kung sino.
Heto pa, pina-rate sa amin ang pagkakanta niya, ano raw rating namin between 1 to 10 at sabi namin nine dahil na-flat siya. Tuloy din ang pagpirma niya ng recording contract sa Sony Music at sa Tuesday, guest siya ni Ogie Alcasid sa birthday concert nito sa Resort World. Hindi lang nito alam kung ano ang idu-duet nila.
Iza at Rhian nawalan ng pelikula nang makita ng Indonesian direktor si Gwen
Nalaman namin kay Ms. Ida Henares na sina Iza Calzado at Rhian Ramos sana ang ipi-present niya sa Skylar Pictures, pero nasa office ng GMA Artist Center that time si Gwen Zamora, tinawag niya at ipinakilala sa director ng The Witness na si Muhammad Yusuf.
Sabi ni Ms. Ida, nag-twinkle ang mga mata ng director nang makita si Gwen at sabi nito, “siya na,” in Bahasa siyempre.
One and a half month ginawa ni Gwen sa Indonesia ang The Witness, pareho lang ang trabaho at ang kaibihan ay ang language at time ng shoot na sundown hanggang sunset. Saka, two days lang siya nagkaroon ng day off, kaya hindi siya nakaikot sa Indonesia. Nang bumisita ang parents niya, hindi sila masyadong nagkita dahil nagtatrabaho siya sa gabi at natutulog sa araw.
Bukod sa spicy food, nadiskubre ni Gwen na mahilig sa Kropek ang Indonesians at every meal may Kropek na kasama sa kanilang pagkain. Natuto siyang magluto ng non-spicy food to survive.
January to March next year ang playdate ng The Witness na ipalalabas din sa Singapore, Thailand, Malaysia, Indonesia at ibang parts ng Southeast Asian countries, pero mauunang ipalabas dito.
- Latest