Pagiging sumbungera ni Bea ibinuking ni Direk
Sa grand presscon ng Tween Academy: Class of 2012 ay nakakuwentuhan namin si Direk Mark Reyes. Puring-puri nito ang mga kabataang artistang idinirek dahil hindi sila naging sakit ng ulo at nagkaroon sila ng bonding.
Ayon pa rin kay Direk Mark kahit pagod na sina Bea Binene at Barbie Forteza ay hindi sila naringgan na nagko-complain. Ayaw nilang makasakit.
Pero tsinika niya na sumbungera si Bea - lagi itong nagsusumbong sa kanya kung sino ang natutulog sa set.
Sino sa palagay ni Direk Mark ang magtatagal ang tambalan?
Sagot niya : “Malakas ang hatak nina Joshua at Barbie, Jake at Bea, gayundin sina Alden Richards at Louise delos Reyes. Malakas ang tilian ng mga tagahanga kapag nagmo-mall tour sila. Isa pa, bukod sa talent sa acting ay professional pa rin sila.”
Ang Tween Academy: Class of 2012 ay mapapanood sa Agosto 24 sa mga sinehan.
JC malaki ang plano sa career
Ratsada ngayon ang career sa TV5 ni JC de Vera dahil tatlo ang shows niya - Lokomoko U, Hey, It’s Saberday, at Ang Utol Kong Hoodlum.
Sa edad 25, malaki na ang plano ni JC para makamtan ang higit na tagumpay sa buhay. Malaking tulong ang TV5 para magkaroon pa siya ng malalaking proyekto sa telebisyon at pelikula.
Johnny English reborn mas maaksiyon
Ngayon pa lang ay inaabangan na si Rowan Atkinson na mas lalong kilala bilang Mr. Bean sa maaksiyon at nakatutuwang pelikulang Johnny English Reborn.
Gagampanan nito ang papel ng isang intelligence officer ng Secret Service ng Mahal na Reyna ng Britanya na dapat pigilin ang isang grupo ng international assassins bago nila malikida ang isang world leader at magsimula ng isang napakalaking gulo sa mundo.
Palabas na ito sa Sept. 15 mula sa Solar-UIP.
- Latest