^

PSN Showbiz

Gerald sobra ang ipinayat

-

MANILA, Philippines - Klinaro uli ni Sam Milby ang issue na nagli-link sa kanya kay Kim Chiu.

Say ni Sam sa presscon ng Dermablend kung saan ni-renew ang kanilang kontrata ni Gerald Anderson, wala talagang something between them ng ex ng kasamahan niyang endorser.

Pero ayaw naman niyang magsalita ng tapos though he emphasized na friends talaga sila ni Kim.

“Ayaw ko rin na, to put any color to what we have kasi talagang friends lang kami,” sabi niya sa interview.

Pero inaamin niyang girlfriend material ang actress. At hindi siya nagsalita ng tapos. “Hindi ibig sabihin na walang chance. You can’t say that. But we’re really just friends,” ulit niya. “Maganda siya, mabait talaga. Si Kim, any guy would be lucky na mging girlfriend siya,” katuwiran niya at alam daw niyang magiging faithful ito sakaling maging sila.

So ano pa kayang hinihintay ni Sam. Bakit hindi pa niya ligawan si Kim na nagsasabing wala rin naman boyfriend.

Pinagtatakhan kasi kung bakit naman hindi siya nagkaka-girlfriend. Matagal na silang hiwalay ni Anne Curtis na maligayang-maligaya sa boyfriend niyang kapatid ni Solenn Heussaff.

Feeling tuloy ng iba, in love pa siya kay Anne.

Bukod sa ‘koneksiyon’ nila kay Kim, dalawa sila ni Ge­rald sa pinaka-abalang aktor ng Kapamilya Network.

Bukod sa pagiging parehong in demand, pareho silang tumutulong sa mga less fortunate : si Sam sa pamamagitan ng World Vision habang si Gerald naman ay sa Cancer Warriors, isang organization na tumutulong sa mga batang may sakit na cancer.

Si Sam ay tinatapos ang kanyang bagong album at inaayos na ang susunod niyang teleserye habang si Gerald naman ay tuluy-tuloy ang taping sa ka­nyang bagong teleserye na Budoy kung saan kailangan niyang magpapayat. Yup almost 20 lbs na ang nabawas sa timbang niya.

Anyway, 2006 pa naging endorser ng Dermablend si Sam habang si Gerald ay last year lang.

Tungkol pa rin kay Gerald, hindi pa rin tanggap ng fans nila ni Kim ang iba nilang ka-partner. Nakakadagdag sila sa rami ng e-mail na natatanggap ko everyday.

Sus, grabe. Puro mga imahinasyon lang naman ang mga laman ng kanilang sulat. Parang script sa pelikula na iisa ang gumagawa. Gusto ng ibang fans na ibalik ang Kimerald. Hello pareho silang pumatok sa ibang ka-partner. Si Gerald kay Sarah Geronimo at si Kim paiba-iba. Kaya tigilan na ‘yan.

Operasyon sa nag-crack na check bone ni Joseph hindi natuloy, kulang sa datung

Alam na kaya ni Sandara Park o mas kilalang Dara ngayon ang nangyari sa ex niyang si Joseph Bitangcol? Sana naman. At baka maisipan niyang magpadala ng pera para matuloy na ang operasyon nito.

Napanood sa SNN ang sinabi ng nanay ni Joseph na si Aling Lydia na hindi natuloy ang operasyon ng anak dahil sa kakulangan ng pera.

Nag-crack kasi ang check bone ng aktor nang maaksidente ito kamakailan kaya kailangan niya sanang operahan para maibalik sa ayos ang checkbone. Pero kailangan ng malaking halaga para sa ilalagay na metal plates sa pisngi. “Pina-cancel ko muna kasi nga wala pa akong pambili ng plates. 

“Kailangan ng titanum plates para ipanglagay nila sa mga fractures niya.

“Supposedly, today ooperahan siya sa face, and then lalagyan siya ng mga plates.”

Nanawagan ang nanay sa ilang kaibigan ng aktor na sana ay matulungan sila na mabili ang metal plates.

vuukle comment

ALING LYDIA

ANNE CURTIS

BUKOD

CANCER WARRIORS

DERMABLEND

GERALD ANDERSON

JOSEPH BITANGCOL

NIYANG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with