^

PSN Showbiz

Aljur tinatarget din ng Kapamilya?

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Tuwang-tuwa ang baguhang aktres na si Gwen Zamora sa contract-signing event ng GMA Films (represented by Joey Abacan) at Skylar Pictures ng Indonesia kamakalawa ng hapon dahil hudyat na ito na ipapalabas na sa Maynila ang pelikulang ginawa niya sa Indonesia.

Si Gwen ang napiling Pinay actress na magbida sa pelikulang The Witness na produced ng Skylar Pictures, isa sa mga pinakamalaking film outfits sa Indonesia.

Ang sikat na direktor doon na si Muhammad Yusuf ang nagdirek at tuwang-tuwa sila kay Gwen dahil never itong nagreklamo kahit hirap siya sa mga action scenes na ipinagawa sa kanya.

Ipalalabas ang pelikulang ito sa Indonesia at dito rin sa ating bansa kaya kasama sa contract-signing si Boss Orly Ilacad ng OctoArts na siyang magdi-distribute ng pelikula.

PAK: Dapat pala ay isa si Paulo Avelino sa mga bida sa Kung Aagawin ang Lahat kasama sina Carla Abellana at Michelle Madrigal. Pero umalis na nga siya at pumirma ng kontrata sa Kapamilya network.

Kaya ang napiling kapalit niya ay si Mike Tan.

At ang isa sa mga nagulat sa paglipat ni Paulo ay ang best friend nitong si Aljur Abrenica. Pero ang ’di lang alam ni Aljur isa rin siya sa pinupuntirya ng Dos na palipatin kung interesado lang ayon sa isang nagkuwento.

BOOM : Nung isang hapon lang pala nakalabas ng rehabilitation center si Baron Geisler.

Malaki ang pasasalamat ng aktor sa Penuel House na siyang nag-asikaso sa kanyang pagkaka-rehab dahil malaki talaga ang ipinagbago niya.

Marami siyang nami-miss sa center sa loob ng mahigit na anim na buwang pagpapagaling niya roon.

Nakunan ng Startalk ang pag-graduate ni Baron sa Penuel na kung saan sinalubong ito ng kanyang pamilya.

Tinanong ito ni Ricky Lo kung kakaibang Baron na ba ngayon ang makilala ng lahat.

 “Siguro ang tawag na nila sa akin ngayon, si Baron bago, hindi na si Baron badu,” natatawang sagot ng aktor kay Kuya Ricky.                        

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

BARON GEISLER

BOSS ORLY ILACAD

CARLA ABELLANA

GWEN ZAMORA

JOEY ABACAN

KUNG AAGAWIN

KUYA RICKY

SKYLAR PICTURES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with