^

PSN Showbiz

Regalong pagkain ni Jolo kay Kim nilalantakan ni Xian

- Veronica R. Samio -

Mismong si Kim Chiu ang nagsabing napaka-galante ng isa sa tatlong leading man niya sa My Binondo Girl na si Jolo Revilla. Palagi raw itong nagdadala ng makakain nila sa set ng kanilang serye. Nang malaman daw nito na paborito niya ang siomai, na ito lamang ang kinakain niya sa uma­ga, tanghali, at gabi ay dinalhan siya nito sa set. Pero hindi lamang para sa kanya ang dala kundi sa lahat ng katrabaho nila. Ang dalawa pang leading man niya na sina Xian Lim at Matteo Giudicelli, at maski na sina Gina Pareno at Cherry Pie Picache ay nakikikain pa sa siomai niya.

“Ang takaw-takaw nga ni Xian, palagi na lang nanghihingi ng siomai ko,” sabi ng primetime princess ng ABS-CBN na binabalikan ang paggawa ng serye.

Pero kung si Jolo ay sa pagkain kinukuha ang loob niya, si Xian ay tinuturuan siyang tumugtog ng mga musical instrument tuwing break nila. Sa kabila ng effort ng dalawa na makagaanan niya ng loob, inamin ni Kim na closest siya sa Fil-Italian na si Matteo na kapwa niya Bisaya kaya madali silang nagkaintindihan. Ilang beses na rin silang lumabas hindi para mag-date kundi para mag-bonding.

Natawa si Kim nang may magtanong sa kanya kung nagpaalam ba siya kay Maja Salvador para makapareha si Matteo.

“Hindi, bakit naman ako magpapaalam sa kanya hindi naman ako ang kumuha kay Matteo kundi ang produksiyon. I’m sure sinasabi ni Matteo kay Maja kung ano ang mga ginagawa niya kaya aware ito na magkasama kami sa My Binondo Girl,” paliwanag ni Kim.

Palabas na ang My Binondo Girl sa August 22 sa Primetime Bida ng ABS CBN, Lunes hanggang Biyernes sa oras ng Guns and Roses.

Paris tutulong sa foundation ni Pacman

Paris Hilton was treated sa dinner ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao na isang mala­king patunay na talagang magkakaibigan sila at hindi lamang mere acquaintances. Nagkakilala ang tatlo nang manood ng pinakahuling laban ni Manny sa Las Vegas si Paris. Tatangkain ng prem­yadong boksingero na makumbinse ang mayamang dalaga na tulungan ang kanyang foundation dito sa Pilipinas.

Kathryn at Julia, nagpakilig

Kung dati ay si Billy Crawford ang sinasabing look alike ni Enrique Gil, ngayon si Matteo Giudicelli na ang sinasabing mas kamukha nito. Si Enrique ang bagong kapareha ni Kathryn Bernardo. Ang pareha nila ang itinutulak sa pelikulang Way Back Home, ganundin sina Julia Montes at Sam Concepcion. Nagkaroon ng matagumpay na movie premiere ang pelikula nung Martes ng gabi sa Megamall. Pinalakpakan ang mga eksenang nakakakilig ng dalawang pareha. Muling ipinamalas nina Julia at Kathryn ang husay nila sa pagganap sa mga madadramsang eksena, bilang magkapatid na pinaghiwalay ng pagkakataon at pinagkita makaraan ang maraming taon pero, maraming binago ang panahon sa kanila.

Suwerteng may chemistry ang dalawang pareha, napapaniwala nila at nabigyan ng kilig ang lahat ng mga nanood ng premiere night.

Giselle hindi tsismosa

I may not be a fan of Giselle Sanchez’s comedic talent, pero aaminin ko na pagdating sa kanyang pagsusulat, isa akong fanatic. Hindi man magkatulad ang sinusulat namin dahil mas hanap ko ang mga balita na kailangang maging mas OA sa kanyang pagiging informative dahil ito ang inaasahan ng mga nagbabasa ng tabloids, still madalas kaysa hindi nag-i-inject ako ng mga personal experiences ko, kaya ang kakaunting bumabasa sa akin sa loob ng 20 taon kong pagiging entertainment writer ay alam that I’ve been married for 39 years, may 3 akong anak, ang unang dalawa ay pamilyado na at nagpapa-ospital ako ng aso ko, nakagat na ako ng aso ko at mistulang zoo ang bahay ko dahil may tatlo akong dove na pangarera, may 2 parehang lovebirds, two dogs, isang azkal at isang bassinet, at mga bullheads na inaalagaan ko sa isang aquarium. Yes lahat nito ay naikuwento ko in between my items, mostly on showbiz.

‘Yung item ni Giselle on Luchi Cruz Valdez ay gandang-ganda ako, napapaiyak ako at humanga sa kanyang subject. Nagawa niyang iparamdam sa akin ‘yung naging karanasan ng magaling na TV journalist sa pamamagitan lamang ng mga tamang pagpili ng mga salita. May command siya ng lengwaheng kanyang ginagamit, walang pretensiyon na maging pinaka-magaling pero nagagawang maitawid ang gusto niyang maparating sa kanyang mambabasa.

Congatulations! Gossip Girl, hindi tsismis ang nababasa ko kundi mga mahahalagang katotohanan ng buhay.

Carla at Michelle parehong bida

Wala raw kontrabida sa bagong serye ng GMA 7 na tinatampukan nina Carla Abellana at Michelle Madrigal, ang Kung Aagawin ang Langit. Marami kasi ang interesadong malaman kung sino sa dalawang artistang babae ang magsisilbing kontrabida sa serye dahil kung sino man ang bibigyan ng role na ito ay definitely hindi siya ang magiging bida. Both actresses were told na bida sila pareho. Abangan na lang natin, kung sino ang aapihin, eh ‘di siya ang bida.

vuukle comment

AKO

KUNG

MATTEO

MATTEO GIUDICELLI

MY BINONDO GIRL

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with