^

PSN Showbiz

Gatecrashers hindi nakapasok sa pa-dinner ni Pacman para kay Paris

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nangyari noong Martes ng gabi sa isang five star hotel sa Makati City ang dinner treat kay Paris Hilton ng mag-asawang Jinkee at Congressman Manny Pacquiao.

Strictly invitational ang dinner kaya hindi nakapag-gate crash ang mga social climber na gustong magpa-picture na kasama si Paris. Invited sa dinner ang mag-inang Dra. Vicki at Cristalle Belo. Present din si Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson.

Ang sey ng aking mga source, touched na touched si Paris sa kabutihan na ipinakita sa kanya ng Pacquiao couple. Busy ang schedule ni Papa Manny pero nagreserba siya ng oras para ma-entertain ang kontrobersyal na socialite.

Amazing naman ang sey ni Jinkee tungkol sa kanyang bagong friend.

Ronald Singson lalaya na

May balita na baka lumabas sa Hong Kong jail si Ronald Singson pero hindi pa ito confirmed. Naalaala ko si Ronald nang magpunta ako sa Hong Kong dahil nagpunta ako sa kanyang paboritong tambayan noong under house arrest siya, ang Silver Cord.

May nagtanong sa akin kung puwedeng bisitahin sa kulungan ang boyfriend ni Lovi Poe. Negative ang sagot ko dahil sa aking pagkakaalam, limitado lamang sa mga malalapit na kamag-anak ang pagdalaw kay Ronald at kailangan pa ito ng permiso.

Mabilis ang pagdaan ng araw para sa mga tao na malaya pero matagal ang panahon para sa mga nakakulong.

Knowing Ronald, excited na ito sa kanyang paglabas sa kulungan at pagbabalik niya sa Pilipinas.

Billboard ng Brazilian-Japanese Model nakabalandra sa HK

Nakita ko sa Canton Road, Hong Kong ang malaking billboard ng Brazilian-Japanese model na si Hideo Muraka. Bagets na bagets pa si Hideo sa billboard na nakabalandra sa harap ng hotel na aming tinuluyan.

Talent din ni Jonas Gaffud ng Mercator Inc. si Hideo pero hindi yata ito in­teresado na mag-artista. Kuntento na siya sa pag-apir sa mga TV show ng GMA 7 gaya ng Party Pilipinas.

May asawa at anak na si Hideo. Baby pa ang anak ni Hideo pero nakagawa na ito ng mga TV commercial. Sinusundan ng bagets ang yapak ng kanyang tatay na reluctant star.

Gwen kababalik galing Jakarta

Napagod ako sa biyahe namin sa Hong Kong kaya hindi ko na pinuntahan ang presscon kahapon ng GMA Artist Center para kay Gwen Zamora.

Panay pa naman ang paalaala ni Jenny Donato na huwag kong kalimutan ang press interview para kay Gwen na kababalik lamang mula sa Jakarta, Indonesia.

Isyu kina Marian at Heart kusang namatay

Nabalitaan ko na nagpunta rin sa Hong Kong si Heart Evangelista pero hindi ko siya nakita sa mga lugar na pinasyalan ko. Maliban sa balik-tambalan nila ni Geoff Eigenmann sa TV, walang ibang balita tungkol kay Heart.

Dedma na ang mga tao sa away nila ni Marian Rivera. Kusang namatay ang isyu dahil hindi pinatulan ni Marian ang mga sinabi ni Heart at ng madir nito sa presscon na ipinatawag nila noon.

vuukle comment

ARTIST CENTER

BRAZILIAN-JAPANESE MODEL

CANTON ROAD

CRISTALLE BELO

GEOFF EIGENMANN

HIDEO

HONG KONG

RONALD SINGSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with