^

PSN Showbiz

Protégé dinagsa ng mga nangangarap maging superstar

-

MANILA, Philippines - Puno ng mga nangangarap madiskubre sa show­biz ang Music Hall ng SM Mall of Asia (MOA) nitong nakaraang linggo. Nagkagulo ang mga nag-audition sa Manila para sa pinakamalaking superstar search, ang Protégé: The Battle for the Big Break.

Ang mga performers na walang age bracket ay nagpakita ng talent sa harap ng mentor na si Gloc-9. At isang 10-year-old girl ang nakapagpahanga sa local rapper nang kantahin ang Empire State of Mind nina Jay-Z at Alicia Keys. Standing ovation at papuri ang nakuha ng bagets mula kina Arsi Baltazar at Jojie Dingcong.

Kahanga-hanga rin ang isang vocal trio ng Baguio na magkakapatid.

Samantala, si Aiza Seguerra ang humarap sa Cagayan de Oro contestants. Daan-daang Ka­­ga­ya­­nons at ilang music artists ng Misamis Oriental, Misamis Occidental, Bukidnon, at Lanao del Norte ang naglaban-laban para sa tatlong Protégé slots na nakalaan sa CDO mentor.

Ang Protégé: The Battle for the Big Break ay hino-host nina singer-songwriter Ogie Alcasid (Journey Host), multi-awarded drama actor Dingdong Dantes (Gala Presenter), at versatile Kapuso star Jennylyn Mercado (Reality Host). 

Sa September na mapapanood ang mga singing sensations sa GMA Network.

AIZA SEGUERRA

ALICIA KEYS

ANG PROT

ARSI BALTAZAR

BIG BREAK

DINGDONG DANTES

EMPIRE STATE OF MIND

GALA PRESENTER

JENNYLYN MERCADO

JOJIE DINGCONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with