Umaarteng parang bagets, awkward tingnan, aktor lumalandi sa ka-partner
Madalas sa magka-love team, ang babae ang unang nadi-develop sa kapareha pero kaiba ang situwasyon sa bagong love team na ito dahil ang aktor ang unang na-develop sa kapareha.
Nagulat na lang ang aktres dahil tuwing taping nila, may pasalubong na flowers ang guy sa kanya. Pati ’pag kumakain sila sa labas, lagi rin itong may bulaklak para sa aktres at pursigidong mag-extend ng stay niya rito sa ’Pinas para makasama ng mas matagal ang aktres.
Heto pa, minsan nakatanggap ng text message ang aktres mula sa aktor at ang nakasulat: “Ano ba ito, sapul ako sa ’yo?” Inaalam pa namin kung sinagot ng aktres ang text ng aktor.
Sa isang okasyon, magkasama ang dalawa at napansin ng mga taong nakasama nila na mas nagpapa-cute ang aktor kesa aktres. “Lumalandi” pa nga ang ginamit na term nang nakakita sa kanila, awkward lang for his age na umarteng parang bagets at first time ma-in love.
Derrick pipirma ng recording contract
Pipirma ng recording contract sa Sony Music next week si Derrick Monasterio, tatapusin lang nito ang mall tour, premiere night (Aug. 20) at opening (Aug. 24) ng Tween Academy: Class of 2012 bago pumirma ng kontrata para manamnam niya at hindi madalian ang okasyon.
Last Monday, nakipag-meeting na sina Joey Abacan at Tracy Garcia kina Vic Valenciano at Ciso Chan and in principle, sarado at ayos na ang usapan para gumawa ng album ang isa sa mga hot Kapuso talents.
Para makapag-concentrate bilang recording star, aalisin muna si Derrick sa soap at pelikula na muna ang gagawin. Tamang-tama naman dahil tapos na ang Tween Academy, patapos na ang shooting ng The Road at sa September pa siya magsu-shoot ng My Househusband ng OctoArts Films.
Napapanood sa Sinner or Saint si Derrick, pero kapag itinuloy na ’wag muna siyang bigyan ng daily soap, sa Tween Hearts at Party Pilipinas na muna at pareho pang Sunday ang time slot.
Edu kasama na sa mini series ni Nora Aunor
Kahapon ginawa ang storycon ng Sa Ngalan ng Ina, ang mini series ni Nora Aunor sa TV5 and by now, makukumpirma kung kasama sa cast si Edu Manzano. Nabalita last Monday na siya na ang gaganap sa role ng governor na tatay ng karakter ni Nadine Samonte at mapapangasawa ng karakter ni Nora.
Si Bembol Roco ang original sa role ng governor, hindi namin alam kung siya pa rin dahil natsikang kasama na si Edu. Hindi na mahihirapan ang TV5 sa pakikipag-usap sa TV host-actor dahil lumipat na ito sa istasyon, ayaw lang kumpirmahin ni Mr. Perci Intalan.
Samantala, sa Thursday na ang pictorial ng cast at Aug. 22 ang taping at M-W-F ang taping schedule at baka pati Sunday. Kaso two days hindi nakapag-shooting ng El Presidente si Guy dahil inubo at personal doctor mismo ni Gov. ER Ejercito ang nagpayong mag-rest siya for three days.
Kahit may sakit, pumunta pa rin si Guy sa location sa Kawit, Cavite dahil ayaw masabing she’s back to her old self. At least, sina ER at Direk Tikoy Aguiluz na ang nagpatunay na may sakit that time ang Superstar.
Bubbles feel hiramin ang closet ni Paris
Naalala namin bigla ang sagot ni Bubbles Paraiso sa tanong sa presscon ng Pahiram ng Isang Ina kung anong hihiramin niya if ever manghiram siya? Ang sagot ni Bubbles ay closet ni Paris Hilton.
Nasa bansa pa si Paris, nag-effort kaya si Bubbles na makita siya in person para maiparating ang kanyang wish? Mukha namang hindi mahirap lapitan ang American socialite at ’katuwa nga’t panay ang tweet na nag-i-enjoy siya rito.
Kontrabida uli si Bubbles sa afternoon soap bilang si Eloisa, GF ni Johnny (Antonio Aquitania).
- Latest