Dahil sa kaburaraan ni Paris Hilton, 'Pinas instant nega
Nabasa ko sa diyaryo sa Hong Kong ang news na nawala ang mga cell phones ni Paris Hilton nang dumating ito sa Ninoy Aquino International Airport.
Nega para sa ating bansa ang news, kahit sinabi ng mga airport officials na baka naiwala ni Paris ang kanyang mga cell phones sa lugar na pinanggalingan niya.
May pagkaburara si Paris dahil kung maingat siya sa kanyang mga gamit, hindi ito mawawala. Talagang pinatulan ko ang mga drama ni Paris huh!
Eh kasi naman, ang pangit talaga ng news na nawalan siya ng gamit sa Maynila. ’Yun ang headline ng diyaryo at kung hindi mo babasahin ang kumpletong news, aakalain mo talaga na ninakaw sa Maynila ang mga cell phones ng socialite na burara.
Modern tech nakatulong sa Minsan...
Bilib na bilib ako sa modern technology dahil kahit nasa ibang bansa ako, hindi ko na-miss ang mga episodes ng Minsan Lang Kita Iibigin.
Hindi ako nag-worry na baka hindi ko mapanood ang mga exciting scenes ng aking favorite drama series na matatapos sa Biyernes dahil sa magic ng Internet.
Paulit-ulit ang panonood ko sa laptop ng episode ng Minsan Lang Kita Iibigin noong Lunes as in nagre-react ako sa mga confrontation scenes nina Lora at Alondra. Alam ko na ang mga mangyayari at ang magiging ending ng show pero excited pa rin ako na panoorin ang mga nalalabi na eksena ng Minsan Lang Kita Iibigin.
William nakakaarte na uli
Natuwa ako nang mapanood ko si William Martinez aa Spooky Nights. Matagal din na nagpahinga si william dahil sa stroke na nangyari sa kanya.
Magaling na si William dahil back to work na siya. Magtuluy-tuloy na sana ang pagiging active ng aktor sa showbiz dahil makatutulong ito para lalo siyang ma-inspire na magtrabaho.
Sa totoo lang, depressing sa mga artista kapag hindi na sila nakakalabas sa TV o pelikula. Sinungaling ang mga artista na magsasabi na hindi nila nami-miss ang showbiz at ang pag-arte sa harap ng kamera.
Pagtatagpo nina Guy at Boyet inaabangan
Magkausap kami ni Christopher de Leon sa telepono noong Lunes ng gabi kaya alam ko na dumalo siya kahapon sa story conference ng TV show na pagsasamahan nila ni Nora Aunor.
May isang TV reporter na nagre-request na kukunan niya ang pagtatagpo ng ex-couple dahil news ito. Ewan ko lang kung natuloy ang pagpunta niya sa venue ng storycon dahil hindi naman siya empleyado ng Kapatid Network.
Baka hindi pumayag ang TV5 people na kunan ng TV reporter ang eksena dahil gusto nila na maging exclusive sa mga shows nila ang meeting nina Boyet at Nora.
HK mainit pero biglang umuulan
Maraming salamat kay Papa Joey Santos at Eileen ng House of Obagi. Sayang lang dahil hindi nakasunod si Eileen sa Hong Kong kaya hindi natuloy ang pagrampa namin sa Disneyland.
Mainit na mainit ang panahon sa Hong Kong pero biglang umulan kahapon ng malakas. Naririto rin sa Hong Kong si Ben Chan ng Bench pero hindi kami nagkita or else, haharbatan ko siya!
- Latest