Kim payag makipaglaplapan sa girls
Naging open sa pagsagot ng mga katanungan si Kim Chiu sa presscon ng My Binondo Girl kung saan kakaiba ang kanyang role na gagampanan. Siya si Jade na nangungulila sa pagmamahal ng Chinese na ama. Kaya upang matamasa ang pagtanggap ng ama ay nagpanggap siyang lalaki bilang si Yuan, ang lalaking anak ng sikat na may-ari ng Chinese restaurants sa China at Pilipinas.
Nag-taping sila sa Hong Kong ng four days at napagkamalang tunay na lalaki si Kim. Nagpapa-pogi ang young actress kapag tinititigan ng mga babae sa HK. Talagang pinaghandaan ni Kim ang karakter bilang lalaki. Nanood pa siya ng mga pelikula tungkol sa babaeng nagpapanggap na lalaki.
Nagparinig nga siya ng boses ng lalaki na ikinatuwa ng entertainment press. Cute rin kapag laging nakapasok ang kamay niya sa bulsa.
Kung naging tunay siyang lalaki sino ang mga crush niyang artista?
‘‘Sina Angel Aquino, Marian Rivera, at Iza Calzado kasi magaganda silang lahat,’’ walang kiyemeng sagot ni Kim.
May nagtanong din kung payag ba siyang makipaghalikan sa kapwa babae.
Sagot niya, ‘‘Payag akong magkaroon ng kissing scenes sa kapwa babae sa ikagaganda ng show at paninindigan ko na lalaki ang aking karakter.’’
May nagtanong din kung guwapo ba siya bilang lalaki at sinabi ni Kim na guwapo naman siya dahil mahal niya ang sarili.
Mapapanood ang My Binondo Girl sa primetime simula Aug. 22 pagkatapos ng 100 Days to Heaven mula Lunes hanggang Biyernes.
Charee may bagong ‘Kotserye’
Gumaganda ngayon ang career ni Charee Pineda sapul nang hangaan sa Mula sa Puso kasama ang kaparehang si JM de Guzman. Marami na silang hukbo ng tagahanga.
Kasama si Charee sa inilunsad na bagong show na Sparkada Trip na tinaguriang bagong kotserye na mapapanood sa Studio 23 na magsisimula ngayong Linggo at 5 p.m. pagkatapos ng UAAP Games.
Makakasama rin ng young star sina Xian Lim, Helga Kraft, Ketchup Eusebio, at Gee Canlas.
- Latest