^

PSN Showbiz

Sometimes... umaariba sa ere, Manny tinatawag nang 'greatest boxer-singer'

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Stable na ngayon ang kalagayan ni Joseph Bitangcol pagkatapos itong na-involve sa isang vehicular accident kamakalawa ng madaling araw.

Ayon sa manager niyang si Noel Ferrer, nasa Marikina Valley Hospital pa ang kanyang alaga at kailangan pa niyang magpagaling ng husto dahil matindi ang fracture na natamo nito sa katawan.

Ang dami namang mga kaibigan nito ang nag-aalala at nagpahatid ng tulong sa kanya.

Ang daming napagdaanan ni Joseph at itong aksidenteng nangyari sa kanya ang panibagong dagok na naman sa kanyang buhay.

PAK : Congratulations sa ating Pambansang Kamao Manny Pacquiao dahil umaariba pala sa music charts sa Amerika ang kanta niyang Sometimes When We Touch.

Ni-record ni Manny sa Amerika ang kantang ito na kasama pa ang original singer na si Dan Hill.

Napaulat kamakailan lang na sa Secondary Adult Contemporary Chart, nasa No. 7 na ito na dati’y nasa No. 11 lang.

Nasa Top 10 na nga ito at mukhang tataas pa. Kaya ang tawag nila ngayon kay Manny ay greatest boxer-singer na!

Noon pa man ay sinasabi ni Manny na isa sa mga paborito niyang kanta itong Sometimes When We Touch at ramdam na ramdam niya kapag kinakanta niya ito.

BOOM : Marami ang nagulat kay Kylie Padilla nang umiyak ito sa Startalk nung nakaraang Sabado.

Nang si Aljur Abrenica na ang napag-usapan, hindi ito napigilang maiyak kaya nakakapagdudang baka may problema sila.

Nakarating kay Aljur ang nangyari, kaya tinanong niya si Kylie kung bakit ito napaiyak.

Ang sabi ng young actress, tears of joy ’yun dahil natutuwa siya at hindi iniiwan ni Aljur.

“Nung nakausap ko siya, ’yung pag-iyak niya, tears of joy ’yun. Talagang nakakataba ng puso on my part kasi hindi ko akalaing maging ganun ako sa parte ng buhay ni Kylie,” kuwento ni Aljur.

“Ang sabi ko kay Kylie, marami kaming nagmamahal sa ’yo at marami kaming mga kaibigan mo na nandito na handang maging karamay mo.

“Ang sinabi ko lang sa kanya, hindi ako mawawala. Lagi akong nandiyan at walang problemang hindi nalulutas,” madramang pahayag ng young actor kay Kylie na hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin ang relasyon nila.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

AMERIKA

DAN HILL

JOSEPH BITANGCOL

KYLIE PADILLA

MARIKINA VALLEY HOSPITAL

SOMETIMES WHEN WE TOUCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with