'Hindi po ako lilipat sa TV5' - Sarah
Parehong tulog ang puso nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson ngayon. Yup, ayaw muna nilang magka-inlaban kaya kahit anong pilit kung ano ang kahihinatnan ng friendship nila, consistent sila sa pagsasabi na mas mabuting maging magkaibigan muna sila.
Kahapon kasi ay pormal na ipinakilala ni Sarah si Gege (character ni Gerald sa box office movie nilang Catch Me... I’m In Love) bilang endorser din ng Globe Super Unli All Txt sa halagang P25 sa lahat ng networks na may kasama pang isang oras na mobile internet at ngayon ay may dagdag pang 10 minuto na tawag sa Globe at TM.
Ang say pa nga ni Sarah, hindi alam ni Gerald ang cell number niya kaya kahit anong pilit sa kanila kung nagkaayos na sila, nakiusap ang pop princess na ‘wag na silang pilitin dahil wala pa talaga.
Kagagaling lang kasi sa Amerika ni Sarah at tinanong kung madalas silang magkumustahan ni Gege habang andun siya.
Basta ang na-confirm nila, tuloy ang gagawin nilang pelikula under Star Cinema and Viva Films bilang follow up sa Catch Me…I’m In Love.
At tungkol naman sa walang kamatayang issue na lilipat siya sa TV5, sinabi niyang ayaw niyang lumipat.
“Yearly po akong nagsa-sign ng contract sa ABS-CBN.
“So katulad po ng isyu sa amin ni Angeline Quinto, isyu rin ito na hindi matapus-tapos.
“ Hindi po talaga totoo. Hindi po ako lilipat. Ayoko.”
Sinabi ni Sarah na nag-usap na si Mommy Divine niya at ang manager niyang si Mr. Vic del Rosario at sinabi sa kanyang hindi siya lilipat sa TV5 na ang koneksiyon ay si Boss Vic dahil nagpo-produce ito ng mga programa sa Kapatid Network.
“Saka grabe po talaga ang naitulong sa akin ng ABS-CBN. Sila po ang nagbigay ng big break sa akin,” ulit ng Pop Princess.
John Rendez nasa PH na?
Narinig ko sa isang kuwentuhan na dumating na raw ng bansa si John Rendez. Naayos na raw kasi ang mga dokumento nito kaugnay sa warrant of arrest niya dahil sa kasong illegal possession of firearm. At dahil na-settle na raw, hindi na raw dinampot nang dumating ng PH ang itinatangging karelasyon ng superstar na si Nora Aunor.
Wala akong matanungan para i-verify ang kuwento ng isang source.
Aktor na karelasyon ng aktres mas trip kasama ang barkada kesa sa dyowa
Inis na inis pala ang aktres sa karelasyon ng aktor dahil madalas siyang iwan nito lalo na pag magkasama sila sa abroad. Ang ikinaiinis daw ng actress, mas gusto pa nitong kasama ang mga kaibigan kung saan kasama sa grupo ang isang director.
Ganito raw ang ginawa ng aktor sa isang trip abroad nila. Akala raw ng aktres ay maso-solo niya ang boyfriend. Sa sobrang pagkagulantang daw ng aktres, sumama ito sa mga kabarkada. Nilayasan ang karelasyon at mas pinili raw magliwaliw kasama ang mga barkada.
Nakakaramdam na raw ng pagkainis ang aktres sa boyfriend pero hoping daw ito na mauuwi rin sa happy ending ang kanilang love story kahit consistent ang aktor sa ‘pang-iiwan’ sa kanya.
- Latest