^

PSN Showbiz

Aljur hindi nag-react sa halikang Kylie at Frank

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Kung wala mang pag-amin na nanggagaling either kay Kylie Padilla o Aljur Abrenica tungkol sa sinasabing relasyon nila, hindi na nag-isip ng makalawa si Frank Magalona na medyo nailang siya nang sabihin ng kanilang director na magkakaroon sila ng kissing scene ni Kylie dahil may boyfriend ang dalaga. Nang tanungin siya kung sino at saka na-realize niya ang extent ng kanyang sinabi kaya nagpasyang magsawalang kibo na lang at ’di patulan ang pangungulit ng press.

Nang tanungin siya kung wala bang dapat ipag-worry si Aljur sa nasabing eksena nila ng girlfriend nito, sinabi niyang wala, trabaho lang ang lahat and I believe him. Aljur should, too.

Marespeto si Frank kay Kylie, he acts like a big brother to her pero lolo ang tawag nito sa kanya at hindi kuya bilang biro.

Iza nakakaduda ang paglipat

Ang daming nagtatanong sa akin kung totoo bang magiging Kapatid na ang Kapusong si Iza Calzado. Hihintayin ko pa ang susunod na taping ng Walang Tulugan with Master Showman para makausap ko ang kanyang dad na direktor namin, si Lito Calzado, na siyang tumatayong manager ng anak. O baka naman huli na rin ako at hindi na pala si Lito ang nangangasiwa sa career ng kanyang anak kaya umugong na lilipat?

Rachelle Ann naapi nina John at Bianca

Aminin man ni Bianca Manalo na merong nama­magitang espesyal sa kanila ni John Prats, absuwelto na siya dahil break na si John kay Rachelle Ann Go although siya ang pinagbibintangang third party sa paghihiwalay ng dalawa nun.

That was before. Nakalipas na ’yun kaya hindi na sila natatakot na magpakita ng sweetness ni John in public dahil libre na sila ngayon. Pero ang hindi nila matatakasan ay ang patuloy na pagdududa ng marami na totoo ngang inapi nila si Rachelle Ann. Aminin nila o hindi.

ALJUR

ALJUR ABRENICA

AMININ

BIANCA MANALO

FRANK MAGALONA

IZA CALZADO

JOHN PRATS

KYLIE PADILLA

LITO CALZADO

RACHELLE ANN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with