Libre ang mangarap, Shamcey Supsup nangako ng panalo sa Miss U
SEEN : Binabatikos ang Philippine Sports Commission (PSC) dahil hindi nila kinikilala ang Philippine Dragon Boat Federation. Nanalo ang Philippine Dragon Boat Team ng limang gold medals sa 10th World Dragon Boat Championships sa Tampa, Florida, USA.
SCENE : Ang paulit-ulit at predictable na formula ng mga TV drama series. May ubod ng sama na mga kontrabida, may nagkaroon ng amnesia, nagkahiwalay ang magkakapatid, may ipinaampon, may pumangit ngunit gumanda etc.
SEEN : Ngayon ang lipad sa Sao Paolo, Brazil ni Shamcey Supsup, ang representative ng Pilipinas sa Miss Universe. Buo ang paniniwala ni Shamcey na mananalo siya na Miss Universe. Libre lang ang mangarap.
SCENE : Invited sa Toronto International Film Festival ang Isda ni Adolf B. Alix, Jr. Fable of the Fish ang international title ng Isda.
SEEN : Excited si Rosanna Roces sa pagsasama nila ni Nora Aunor sa mini series nito sa TV5. Si Osang ang gaganap na kontrabida sa show ni Nora.
SCENE : Clueless si Cesar Montano kung magkakaroon ng Season 2 ang Andres De Saya at kung ire-renew ng GMA 7 management ang kanyang kontrata.
SEEN : Dismayado si Joel Lamangan dahil hindi nanalo ng major award sa Cinemalaya Independent Film Festival ang Patikul. Confirmed ang disappointment ni Joel dahil tumanggi siya na magsalita sa presscon ng Pahiram ng Isang Ina tungkol sa resulta ng Cinemalaya Awards Night.
SCENE : Naka-schedule na ang knee operation ni JC Tiuseco. Matagal nang pinahihirapan si JC ng pananakit ng kanyang tuhod na na-injure dahil sa paglalaro ng basketball.
SEEN : Regular na napapanood ang bold actor na si Josh Ivan Morales sa mga TV at movie project ni Jerry Sineneng. Kasali si Josh Ivan sa cast ng Way Back Home, ang launching movie nina Kathryn Bernardo at Julia Montes.
- Latest