^

PSN Showbiz

Stage mother na social climber ayaw tumigil sa kabuktutan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Umiiral na naman ang pagiging intrigera ng isang hitad na stage mother na mahilig sa showbiz pero nagpapanggap na hindi interesado. Kapag hindi tumigil sa paninira ang stage mother, mapipilitan ako na pangalanan siya para matigil na ang kanyang mga kabuktutan. Kabuktutan daw o!

Walang “K” na mag-feeling sikat ang stage mother dahil social climber siya. Saka na siya magyabang kung hindi na siya nanghihiram ng mga alahas para mapanindigan niya ang pagiging richie rich! Hmp!

Yasmien naabutan ni Mark sa hospital

Nag-taping ang mga artista ng Time of My Life sa Veterans Memorial Medical Center at dito nakita ni Mark Herras si Yasmien Kurdi. Natuwa si Mark nang ma-sight niya si Yasmien dahil nakasuot ito ng uniform ng nurse.

Nursing ang course ni Yasmien at nagkataon na may OJT siya sa Veterans Memorial Medical Center nang magkrus ang mga landas nila ni Mark. Naka-feel ng pagmamalaki si Mark dahil nag-aaral ang ka-batch niya sa Starstruck.

Nakakatuwa naman talaga ang mga artista na hindi pinababayaan ang pag-aaral. Matagal nang hindi visible si Yasmien sa showbiz dahil ang pag-aaral ang kanyang priority. Bale dalawa ang kurso ni Yasmien, Foreign Service at Nursing.

Naisip ni Yasmien na mag-enroll sa nursing course para maalagaan niya ang kanyang ina kapag nagkaedad na ito.

Ganyan kamahal ni Yasmien ang kanyang mother dear.

Rufa Mae 'di makausap

Nakikiramay ako kay Rufa Mae Quinto at sa kanyang pamilya dahil sa pagpanaw ng kanilang Lola Lucing na sumakabilang-buhay dahil sa colon cancer. Parang kailan lang nang ma-diagnose ang sakit ng matanda na nag-alaga kay Rufa Mae at madalas na kasama nito sa mga taping at shooting.

Mabilis ang mga pangyayari dahil nagkuwento pa noon si Rufa Mae sa presscon ng Temptation Island na maayos na ang kalagayan ng kanyang lola. Mula sa Stage 4, nagbago ang stage ng colon cancer ng lola niya dahil positive thinker ito.

Naaapektuhan nang husto si Rufa Mae nang magkasakit ang kanyang lola at sure ako na dinaramdam niya nang husto ang pagpanaw ni Lola Lucing, kahit alam nila na hindi na magtatagal ang buhay ng matanda.

Carmina first time kay Direk Joel

Si Carmina Villarroel pala ang bida ng Pahiram ng Isang Ina at siya ang nasa title role. Matagal nang hindi napapanood si Carmina na umaarte nang seryoso sa TV kaya challenge sa kanya ang afternoon drama show ng GMA 7.

Nakadagdag sa excitement ni Carmina si Joel Lamangan dahil ngayon lamang niya makakatrabaho sa TV ang award-winning director.

Sina Bea Binene at Martin Delos Santos ang mga gaganap na anak ni Carmina. May twist ang story ng Pahiram ng Isang Ina kaya hindi trying hard ang pagiging madir ni Carmina sa mga bagets na parang mga kapatid lamang niya.

Jake at Bea susubukan sa serye

Masusubukan sa Pahiram ng Isang Ina ang lakas ng love team nina Bea Binene at Jake Vargas. Tinitilian ang love team ng dalawa sa mga mall at out of town shows.

Nag-promise ang mga bagets na paghuhusayan nila ang acting sa kanilang afternoon show para hindi masira ang trust sa kanila ng Kapuso Network.

Isa-isa nang binibigyan ng mga regular shows ang Tween Stars ng GMA 7 dahil malakas ang suporta sa kanila ng mga fans. Mapapanood din ang love team nina Bea at Jake sa Tween Academy Class of 2012.

CARMINA

DAHIL

ISANG INA

LOLA LUCING

NANG

RUFA MAE

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with