^

PSN Showbiz

Negosyo ni Cogie sarado na

- SEEN SCENE -

Seen : Ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa blessing ng isang call center noong Sabado.

Nag-beg off si Regine na magpainterbyu sa invited press people.

Scene : Sarado na ang tiangge stall business ni Cogie Do­­min­­go sa Greenhills.

Isang bookstore na ang nakatayo sa building na binakante ng negosyo ni Cogie.

Seen : Si Congresswoman Imelda Marcos sa CCP kahapon.

Sumugod ang dating first lady sa Cultural Center of the Philippines na kanyang ipinatayo dahil tutol siya sa malaswang art exhibit na tinututulan ng mga Katoliko.

Seen : Walang kapalit na talent fee ang performance ng Callalilly, 6Cyclemind, Cueshe at ng ibang banda sa PSRRocks, ang concert na idaraos sa August 20 sa Baypark Service Road, Roxas Boulevard, Manila.

Ang mga Pilipino na may sakit na psoriasis ang beneficiary ng concert.

Scene : Growing Up ang next TV project ni Diego Loyzaga sa ABS-CBN.

Si Diego ang lovechild nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Namana ni Diego ang pagiging passionate artist ni Cesar.

Seen : Natatalbugan na ni Alden Richards si Steven Silva at ang male Avengers ng Starstruck Season 5 dahil magagandang project ang ibinibigay sa kanya.

Hindi nakapasa si Alden sa audition noon ng Starstruck V.

Scene : Madalas na nakikita na magkasama sina Rocco Nacino at Sheena Halili.

Hindi nila inaamin na may relasyon na sila para hindi maapektuhan ang kanilang showbiz career.

ALDEN RICHARDS

BAYPARK SERVICE ROAD

CESAR MONTANO

COGIE DO

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

DIEGO LOYZAGA

GROWING UP

IMELDA MARCOS

OGIE ALCASID

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with