May dyslexia? young actor baliktad magbasa!
Uy may dyslexia daw pala ang isang young actor.
Ayon sa Wikipedia ang dyslexia ay : “Dyslexia is a broad term defining a learning disability that impairs a person’s fluency or comprehension accuracy in being able to read, and spell, and which can manifest itself as a difficulty with phonological awareness, phonological decoding, orthographic coding, auditory short-term memory, and/or rapid naming. Dyslexia is separate and distinct from reading difficulties resulting from other causes, such as a non-neurologica deficiency with vision or hearing, or from poor or inadequate reading instruction. It is believed that dyslexia can affect between 5 to 10 percent of a given population although there have been no studies to indicate an accurate percentage.
There are three proposed cognitive subtypes of dyslexia: auditory, visual and attentional. Reading disabilities, or dyslexia, is the most common learning disability, although in research literature it’s considered to be a receptive language-based learning disability.
Accomplished adult dyslexics may be able to read with good comprehension, but they tend to read more slowly than non-dyslexics and may perform more poorly at nonsense word reading (a measure of phonological awareness) and spelling. Dyslexia is not an intellectual disability, since dyslexia and IQ are not interrelated as a result of cognition developing independently.”
Nasa kategorya raw ang aktor na pabaliktad magbasa kaya hindi masisisi kung may pagka-weird din daw ang ugali nito at hindi maintindihan ang ugali kalimitan.
Ngek. Parang ang hirap naman nito. Pero kuwento ng isang source, ganito talaga ang aktor.
Ewan ko kung paano ito matatanong sa young actor. Alangan namang pag nakaharap mo siya, pagbasahin mo?
Sikat-sikatin na ang aktor at ang alam ng marami, galing ito sa maayos na pamilya.
Komedyante hindi inililihim na may sakit sa balat?
Isang director ang naalala namin kahapon sa presscon ng PsorRocks, (Music equality belonging respect love), isang concert para sa mga may psoriasis.
May ganitong skin disease si Direk pero iilan ang nakakaalam. Madalas noon, naka-jacket siya o long sleeve ang damit kahit may kainitan ang kanyang pinagso-shotingan o pinupuntahan dahil nga sa nasabing sakit sa balat na hindi naman nakakahawa.
Isa pang komedyante ang sinasabing may ganitong sakit din at hindi raw nito inililihim. Pero parang pag nakita mo naman siya, ang kinis ng balat at hindi aakalainna meron nito ang sikat na komedyante.
Kahapon kasi ginanap ang presscon ng The Psoriasis Philippines, isang grupo ng may mga ganitong disease para sa kanilang awareness campaign na uumpisahan sa concert sa August 20, 2011 kasama ang mga sikat na banda - 6cyclemind, Callalily, Cueshe, Even, General Luna, Gracenote, Kenyo, Slapshock, Tricia Garcia and Up Dharma Down na ididirek ni DJ Buddha. Gaganapin ito sa Baypark Service Road Roxas Blvd. Manila (beside Rajah Sulayman). May nagtanong kung sinong mga sikat ang may psoriasis. Pero walang pinangalanan ang isang doctor na may suking ilang sikat na may ganitong karamdaman.
Basta ang isa sa idinidiin nila, hindi nakakahawa ang psoriasis. Namamana ito kung merong history ang pamilya ninyo pero nakukuha rin daw ito sa mga kinakain, sa paninigarilyo at sa stress dahil sa sobrang pag-iisip. At ang objective ng concert ay sabihin sa buong bayan na normal na tao ang may psoriasis. Hindi ito basta kakapit sa ‘yo sakaling may makahalubilo kang may ganitong problema sa balat.
Sabi ni Mr. Josef de Guzman, presidente ng The Psoriasis Philippines, milyon ang may ganitong problema sa ating bansa na ang iba ay nagpapakamatay dahil sa kahihiyan. Kadalasan daw kasi, ang may psoriasis ay pinandidirihan. May oras na hindi sila papapasukin sa eroplano o restaurant.
At ang nasabing concert ang naisip nilang paraan para matulungan ang may mga psoriasis na hindi dapat ituring na meron silang kakaibang sakit na nakakahawa tulad ng leprosy, syphilis at HIV/AIDS.
Wala palang gamot sa ganito ayon sa mga skin expert na present din kahapon.
Sinasabing 1 to 2 million ang may ganitong sakit sa bansa at around 125 millions ang pinaniniwalaang nagdurusa sa buong mundo.
Umaasa silang dadayuhin ng mga tao ang concert para mawala ang general impression na nakakahawa sila.
Ang mga sikat na band member na sina Tuti Caringal at Kean Cipriano ay present sa presscon kahapon. “Hindi kami raraket dito,” sabi ni Toti. Meaning hindi sila maniningil ng TF sa benefit concert.
Rufa Mae iniwan na ng kanyang lola
Namatay na ang pinaka-mamahal na lola ni Rufa Mae Quinto kahapon ng umaga. “I love you Ma! Greatest, bravest grandma-rest in peace. Mwaahh. Love love love you.”
Naoperahan ang Lola Lucing ni Rufa Mae dahil sa cancer bago ito namaalam sa mundo.
- Latest