Diether ayaw pa ring kausapin si Kris!
Kamakailan ay nagpunta si Diether Ocampo sa Europe at sa kanyang pagbalik sa Pilipinas ay isang sorpresa ang ibinigay ng aktor sa kanyang special friend na si Kris Aquino.
“Alam mo ’yung Ladurée? Sosyal na macaroons ’yun. Si Diet, sinabi niya noong pauwi siya, gabi before midnight ’yung flight nila, idinaan na kung saan kami nakatira pero siyempre tulog ako, iniwan na lang doon.
“Paggising ko, nandoon na siya (Ladurée ng Paris, France) so, ka-touch naman,” nakangiting kuwento ni Kris.
Hindi naman nagpahuli si Kris dahil meron din siyang sorpresa na ginawa para kay Diether.
“Sa Rockwell may masarap na bilihan ng fruits. Nagpagawa ako ng basket for Diet. Si Diet, claim niya na nawala cell phone niya. Hindi ko alam kung totoo na nahulog sa tren sa Europe, ewan.
“So, noong tumatawag ako sa brother niya, kay RJ sinabi ko na idadaan ko dahil sa condo sila nag-shoot. Ang tagal-tagal na hindi ako sinasagot, so, iniwan ko na lang ’yung fruits sa isa niyang assistant.
“’Tapos tumatawag ’yung brother na he is on his way down, sabi ko magpahintay ba? Okay naman kaya lang ’di pa kami nag-uusap kasi nga nagkapikunan kami,” natatawang pagdedetalye pa ni Kris.
Marami pa rin tuloy ang nagtatanong kung ano na ba talaga ang relasyon ng dalawa dahil concerned sila sa isa’t isa? Si Diether na kaya ang nagpapatibok sa puso ni Kris ngayon?
“No! Kung meron anything more than friends, never ’yang mawawalan ng cell phone at hindi siya magke-claim na nawala ’yung cell phone niya. Siyempre ma-stress naman siya kung ’di kami magkausap kahit one day ’di ba?
“So feeling ko, friends lang talaga kami pero weird lang siya na friend. Ayaw niya akong kausapin. Wala talagang love, ano ba? I’m not the type of person na magde-deny pero wala talaga,” giit pa ng aktres.
Dahil nanghihiram lang sa driver Rayver niregaluhan ng relo ni Cristine
Marami ang nabahala nang maaksidente si Rayver Cruz sa taping ng Reputasyon kamakailan. Aksidenteng nasuntok ng isang talent sa isang eksena ang aktor sa kanyang ilong at bibig.
Nag-alala ang leading lady at girlfriend na si Cristine Reyes sa nasabing serye.
“Nilagyan lang ng ice kasi namaga ’tapos nag-nosebleed siya ng sobra. Sobrang lumobo ’yung labi niya. Ni-rush siya sa ospital para makita. Baka mamaya may damage siya. Nag-worry talaga ako,” pahayag ni Cristine.
“Kung ako nga eh kapag binibiro ko ’yan, sinusuntok ko sa braso, naiinis na ’yan eh. Ano pa kaya ’yung masuntok talaga siya?”
Samantala, isang shirt at mamahaling relo ang ibinigay ng aktres sa nakaraang birthday ni Rayver.
“First watch niya ever ’yung binigay ko, his and hers. As in wala pang nagbibigay sa kanya ng watch. Kasi naman nanghihiram siya ng watch sa driver niya.
“Perfect ’yun na gift ko sa kanya,” kuwento ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest