^

PSN Showbiz

Papunta na sa Brazil, Shamcey sa mental at emotional preparation nagpo-focus

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Ngayong araw ay nakatakda nang lumipad papuntang Brazil si Shamcey Supsup para doon na ipagpatuloy ang kanyang paghahanda para sa Miss Universe pageant. Ayon kay Shamcey, marami pa siyang kailangang matutunan.

“Walking, training, catwalk with past beauty queen like Venus Raj. Then lately I had training with Karen Agustin. Tinuruan niya ako ng kinds of poses, paano i-move ’yung head. So, ang dami, maraming trainings. I think may mga susunod pang trainings sa akin,” pahayag ni Shamcey.

“Sa akin it’s more on mental and emotional preparation. Maraming nagsasabi sa Miss Universe a lot of beautiful girls, intelligent girls. How will you stand out? So, dapat you have to have that self-confidence.”

Baon ni Shamcey sa kanyang pag-alis ang suporta ng lahat ng nagmamahal at malalapit sa kanya.

“Sometimes nakakatakot na pupunta ako mag-isa. Wala akong kasama, ang layo. Parang opposite sides of the world ako pupunta. More than 24 hours ’yung biyahe, ako lang. Lahat ng mga bagahe, ako magdadala. Ang lucky charm ko is the people who supports and loves me, and alam ko na whatever happens there andyan pa rin sila,” pahayag pa ni Shamcey.

Ayon pa sa dalaga ay ginagawa niyang inspiras­yon si Venus para mapantayan ang galing na ipinakita nito sa kompetisyon noong isang taon.

“Siyempre may pressure rin pero ginagamit ko na lang siya in a positive way. Sabi lang niya just be yourself. Enjoy everything there kasi it’s a once in a lifetime opportunity, at kung nahihirapan ka na, isipin mo you are there because you wanted to be there. It was a choice.

“Of course, sinasabi na if you’re destined to win, you would get the crown. I believe I’ve worked hard. I have the discipline. I’m determined. With the support of everyone, I believe we have a chance,” confident na sabi ni Shamcey.

Kim nilapitan at muntik sinunog ang bigote sa Hong Kong

Abala ngayon si Kim Chiu sa paghahanda para sa kanyang pagbabalik-primetime sa teleseryeng My Binondo Girl. Kamakailan ay nag-taping na ang kanilang grupo sa Hong Kong sa kauna-unahang pagkakataon.

“Ito ’yung pinakunang nag-taping sa ibang bansa, masaya and excited kasi bagong experience. Hindi naman lahat ng mga shows ng ABS-CBN nagsu-shoot sa ibang bansa kaya sobra akong nagpapasalamat na nabigyan ako ng ganitong chance. Muntik na ring mapahamak ang young actress habang sila ay nagte-taping sa Hong Kong. Nakabihis lalaki kasi si Kim at meron pa siyang bigote bilang karakter niya sa nasabing serye.

“Tumitingin ako ng mga tinda-tinda. Sabi ko bakit tingin nang tingin sa akin? Lumapit sa akin, sinigawan ko siya tapos susunugin niya ’yung bigote ko, may lighter. Sabi ko ‘Aaaahh!’ at tumakbo na ako,” kuwento pa ni Kim. — Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

AYON

HONG KONG

KAREN AGUSTIN

KIM CHIU

MISS UNIVERSE

SABI

SHAMCEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with