Jackie ginagawang tsaperon at tsuper ang BF!
Sa press visit ng Sisid, nakausap namin ang bidang si Jackie Rice na inspirado ngayon sa kanyang trabaho. Inamin din nito na hindi na siya pasaway gaya noon dahil tumatanda na siya. Ayaw na niyang pakawalan ang magagandang oportunidad sa buhay niya ngayon.
Samantala, masaya ang young actress na natuto siyang lumangoy dahil sa afternoon serye kahit umabot ng isang buwan ang swimming lessons. Nakasisid na si Jackie sa Ocean Park sa lalim na 12 ft. pero kinabahan nang sumisid sa Anilao, Batangas, 40 ft. Mahal niya ang trabaho kaya ginagalingan pa ng husto.
Kumusta naman ang kanyang love life?
Say ni Jackie, may non-showbiz boyfriend siya na nagsisilbing inspirasyon at two years na ang kanilang relasyon. Suwerte ng Kapuso actress dahil hindi seloso ang dyowa at kaibigan pa nga lahat ng mga kasamahang artista lalo na ang kanyang leading men na sina Dominic Roco at JC Tiuseco.
“May family business ang boyfriend ko kaya hindi siya gaanong busy. Madalas siyang nakaalalay sa akin. Siya nga ang nagsisilbing tsaperon at driver ko,” dagdag ni Jackie.
Maricar hindi magkaanak kahit walang diperensiya
Na-meet din namin si Maricar de Mesa na kasama sa Sisid at gumaganap na kontrabida. Mula ang aktres sa That’s Entertainment at kasabayan nina Ara Mina at Beth Tamayo. After seven years ng pamamahinga ay nagbalik-showbiz siya. Medyo paisa-isa muna ang proyekto ni Maricar sa kasalukuyan.
Sa five years nilang pagsasama ng kanyang basketbolistang asawa na si Don Allado ay hindi pa sila nabibiyayaan ng anak. Wala naman silang diperensiyang mag-asawa.
Pinahihinto na siya ng asawang magtrabaho pero naiinip naman siya sa bahay ng walang ginagawa.
Mahilig siyang mag-travel with friends na tumatagal pa ng two weeks.
- Latest