^

PSN Showbiz

Bading bugbog sarado sa dyowa ng sexy comedienne

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Magaling na si Gardo Versoza nang naka­usap ito ng Startalk kahapon. Nung Biyernes siya lumabas ng hospital pagkatapos ma-confine ng ilang araw dahil sa typhoid fever.

Medyo nahihilo pa ito nang nakausap ng Startalk pero okay na raw ang pakiramdam niya.

May mga tests pa raw siyang pagdadaanan para matiyak lang na okay na talaga ito.

Ang duda raw nila, nakuha niya ang naturang sakit sa tubig na iniinom, pero ang sabi naman ng aktor, puro mineral water naman daw ang iniinom nila sa taping.

Ayon sa executive producer ng Amaya na si Camille Gomba, sa Lunes daw ay babalik na si Gardo sa taping ng naturang epicserye.

PAK : Na-trauma na ang machong boyfriend ng isang sexy comedienne na pumunta sa isang spa sa Quezon City pagkatapos siyang hipu-hipuan ng isang bading na nakasabay niya sa sauna.

Pero bugbog sarado naman si bading pagkatapos niyang hipuan ang non-showbiz boyfriend ng sexy comedienne.

Hanggang reception nga ay hinabol ito ng non-showbiz boyfriend dahil di niya ma-take ang ginawa ng bading.

Isinakay na lang nga si bading sa taxi na naka-tapis pa ng tuwalya dahil sa talagang gusto pa siyang umbag-umbagin nung boyfriend ni sexy-comedienne.

Kaya itong si machong boyfriend ngayon ay parang natatakot na raw magpamasahe sa spa o magbabad sa sauna dahil sa karanasan niyang iyun.

BOOM : Naging kontrobersiyal ang pagdalaw ni Nora Aunor sa bakuran ng GMA 7 dahil sa pagkuha ng litrato sa kanya suot ang jacket ng Tween Academy at pinahawak ng fansign na may nakasulat na title ng pelikula at showing nito sa August 24.

Nag-react ang mga taga-TV5 sa pinagawa kay Nora dahil ang dating ay parang ginamit ito para sa promo ng pelikula ng GMA Films.

Ang alam lang naman nila ay magi-guest lang ito sa radio program ni German Moreno at sa taping ng kanyang Walang Tulugan.

Pero ang sagot naman ng mga taga-GMA Films, matagal nang magkaibigan sina Joey Abacan at Nora kaya dinalaw sila sa tanggapan nito na tamang-tama naman nandun ang GMA Films president Atty. Annette Gozon-Abrogar.

Wala raw silang intensyong gamitin ang Superstar sa promo ng kanilang pelikula dahil binigyan lang daw nila ito ng jacket bilang regalo at kinunan ng litrato na ipinost lang naman daw sa kanilang Twitter at Facebook account.

Ang rason pa nila, wala naman daw exclusive contract si Nora sa films ng TV 5 kaya tingin nila wala silang inapakang tao sa ginawa nilang iyun.

vuukle comment

ANNETTE GOZON-ABROGAR

CAMILLE GOMBA

DAHIL

GARDO VERSOZA

GERMAN MORENO

JOEY ABACAN

NAMAN

NORA

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with