^

PSN Showbiz

Sumugal!

- Veronica R. Samio -

Dahil sa kasikatan na nalikha ng Tween Hearts, minarapat ng GMA Films na gawin ito sa pelikula. P­nangu­ngu­nahan ng batang love team nina Jo­­shua Dionisio at Barbie Fortesa kasama sina Bea Binene, Jake Vargas, Lexi Fernandez, Louise delos Re­yes, Alden Richards, Derrick Mo­nas­terio, Kristoffer Martin, Joyce Ching, at Yassi Pressman, susubukan nila kung makapagsisimula sila ng isang trend na pawang mga kabataan ang bida. Kaya nabuo ang Tween Academy: Class of 2012.

Isa itong pelikula na dinirek ni Mark Reyes na tulad sa maliit na screen, tackles the problems of the youth, ang mga pangarap at problema nila sa buhay. Nakasisira ba o nakatutulong sa kanila ang pagkakaroon ng barkada. Ang iskuwela ba ay karunungan lamang ang ibinibigay sa kanila o meron pang iba.

Surprisingly, sa trailer na napapanood, naipapamalas ni Direk Mark ang masayang buhay ng mga kabataang mag-aaral sa ibabaw ng maliliit nilang problema. Maliliit lamang sapagkat sa pelikula walang mga grabeng isyu ang ipinakikita. 

Kasama sa pelikula ang mga sikat na bagets nung kanilang kapanahunan nung 80’s at 90’s na sina Angelu de Loen, Bobby Andrews, Yayo Aguila, Pinky Amador, Nadia Montenegro, Jojo Alejar, Chuckie Dreyfus, at ang crush ng maraming Tween Hearts na si Sam Pinto.

Palabas na sa Agosto 24 ang pelikula na kino-prodyus ng SMDC.

Barbie at Joshua itinatanggi ang pagiging bida

Sa presscon na ginanap para sa Tween Academy, itinanggi ni Barbie Forteza na sila ni Joshua Dionisio ang bida sa pelikula at suporta lang nila ang mga kasamahan nilang bagets.

 “Hindi po, lahat po kami bida, sa aming lahat po umiikot ang istorya,” pagtatanggol ng 14 year old star na ayaw pang makipag-kissing scene sa kanyang ka-loveteam at nagsabing maghihintay pa siya ng tamang panahon para gawin ito.

Maritoni gulat sa anak

Nagulat naman ang mom ni Lexi Fernandez na si Maritoni Fernandez na ginising siya ng maaga ng kanyang anak para lang magpasama sa kanya sa presscon. Pinalaki ni Maritoni na independent ang kanyang anak at palaging kasama lamang ay ang yaya nito at driver. Pero nagulat siya na gusto siya nitong makasama sa presscon.

Ipinagmamalaki ni Maritoni na sabihin na pagkanta ang unang puntirya ng kanyang anak sa showbiz. Nagulat siya na pati pag-arte ay pinasok nito. Lexi started with Boy Abunda sa showbiz. She was under him for three months until she finally transferred to the Kapuso Network na kung saan ay unti-unti na siyang nakikilala.

Si Lexi ang kumakanta ng isa sa pinakapopular na awitin sa soundtrack Tween Acedemy.

Elmo hindi kayang iwan ang nanay

Wala naman sa Tween Hearts si Elmo Magalona pero isinama siya sa Tween Academy siguro dahil kailangan ng isang may tunog na pangalan. Kasama rin sa pelikula ang ka-loveteam niyang si Julianne San Jose, pero si Sam Pinto ang magsisilbing love interest niya. Teacher ang role ni Sam at magkakaroon ng feelings sa kanya si Elmo.

Sa kanyang edad na 17, inamin ni Elmo na hindi pa siya handang maging independent at humiwalay sa kanyang inang si Pia Magalona. Hindi niya minamadali ang kanyang independence at hanggang makakaya niya at papayagan siya ng kanyang ina, he will stay with her.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ELMO

KANYANG

LEXI FERNANDEZ

MARITONI

SAM PINTO

SHY

SIYA

TWEEN ACADEMY

TWEEN HEARTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with